Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapakumbaba at pagiging masunurin

SHARE THE TRUTH

 374 total views

Ito ang mga natatanging katangiang taglay ni Venerable Bishop Alfredo Maria Obviar na naging susi upang ideklara itong venerable ni Pope Francis na unang hakbang bago maging ganap na Santo ang isang tao.

Ayon kay Mother Rene Rarela, ng Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus, ang tumatayong postulator para sa pagiging Santo ni Bishop Obviar, hinahangaan ng tao ang pagiging mapagpakumbaba ng namayapang Obispo at ang pagkilala sa mga lider ng Simbahang Katolika.

“Ang outstanding virtues niya [Bishop Obviar] ang kaniyang humility and then yung kaniyang obedience particularly sa mga namumuno sa Simbahan,” pahayag ni Mother Rarela sa Radio Veritas.

Kasalukuyang nasa proseso ang mga kinakailangan upang maideklara naman itong Beato ang ikalawang antas bago tuluyang makasama sa hanay ng mga Banal si Bishop Obviar kabilang na dito ang paghahanap ng milagro.

“As of now kinakailangan ang isang authentic miracle yung miracle which is unexplainable by Science,” dagdag ng Madre.

Sinabi ng Madre na 5 himala ang kasalukuyang pinag-aaralan ngayon ng isang doktor ng medisina upang matiyak na ito ay himalang napapagaling sa tulong ng mga panalangin ni Bishop Obviar.

Ipinaliwanag ni Mother Rarela na matapos ang pag-aaral dito sa Pilipinas ay isusumite na ito sa Congregation for the Causes of Saints sa Vatican para sa masusing imbestigasyon ng mga eksperto sa larangan ng medisina at mga eksperto ng Simbahan.

Inihayag ng Madre na kailangang maipaliwanag yung medical science bago madeklarang authentic yung miracle.

Umaasa ang madre na sa pagiging Venerable ni Bishop Obviar ay matutuhan din ng mga mananampalataya ang buhay kabanalan ng Obispo lalo na sa mga naglilingkod sa Sambayanan ng Panginoon.

Pinaiigting din ng mga madre ng Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus, ang kongregasyong itinatag ni Bishop Obviar noong 1958 ang pagsasagawa ng mga symposium upang higit pang makilala ng mga mananampalataya si Bishop Obviar.

Dahil dito inaanyahan ni Mother Rarela sa isang symposium na gaganapin sa ika – 20 ng Nobyembre sa Tayabas Quezon mula ika – 7 ng umaga hanggang ika – 5 ng hapon at maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang (042) 793-3699 o 09173540483.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,549 total views

 70,549 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,544 total views

 102,544 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,336 total views

 147,336 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,307 total views

 170,307 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,705 total views

 185,705 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,312 total views

 9,312 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top