Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga lolo’t lola, tulay sa hinaharap

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang ensiklikal tungkol sa pag-ibig sa pamilya na Amoris Laetitia, may ganitong paalala si Pope Francis: Ang isang pamilyang bigóng igalang at pahalagahan ang kanilang mga lolo at lola, na silang mga buháy na alaala nila, ay isang nanghihinang pamilya. Ang pamilyang inaalala ang kanilang mga nakatatatanda ay isang pamilyang may hinaharap.

At hindi lamang sa mga pamilya may epekto ang pagpapabaya sa mga lolo at lola. Sabi pa ni Pope Francis, mistulang nahawahan ng virus ang isang lipunang walang puwang para sa mga nakatatanda at isinasantabi sila dahil sa paniniwalang nagdudulot sila ng problema. Isa itong lipunang putol ang mga ugat.

Dito sa Pilipinas, lagi nating sinasabing napakahalaga para sa atin ng pamilya at makikita ito sa pag-aalaga natin sa mga matatanda. Kung sa ibang bansa ang mga matatanda ay dinadala sa mga nursing homes, kasa-kasama nating mga Pilipino ang ating mga lolo at lola sa ating tahanan. Kung mawalay man tayo sa kanila, tinitiyak nating binibisita natin sila sa mga mahahalagang okasyon. Marami rin sa atin siguro ang lumaki sa ating mga lolo at lola dahil sila ang nag-alaga sa atin habang nagtatrabaho ang ating mga magulang. Ito ang madalas nating ipintang larawan ng isang pamilyang Pilipino.

Ngunit hindi natin maikakailang kasabay ng pag-iiba ng panahon, nag-iba na rin ang turing ng marami sa ating mga lolo at lola. Narito ang ilang indikasyon.

Sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank (o ADB) na ginawa noong 2019 at isinapubliko noong Pebrero ngayong taon, 6 sa 10 matatandang Pilipino (o 62%) ang nakatatanggap ng pinansyal na suporta sa kanilang mga anak. Malaking pagbaba ito mula sa 85% noong 2007. Ang ganitong sitwasyon, dagdag pa ng ulat, ay mas matindi ang epekto sa matatandang babae kaysa sa mga matatandang lalaki dahil mas karaniwang umaasa ang mga lola sa kanilang mga anak upang alagaan sila kapag sila ay magkasakit, habang ang mga lolo naman ay umaasa sa kanilang mga asawa. Kailangan nating seryosohin ang kalagayan ng mga nakatatanda lalo na’t, ayon pa sa ADB, ang Pilipinas ay isang “ageing society” o isang bansa kung saan malaking bahagdan ng populasyon ang binubuo ng mga lolo at lola. Pagsapit daw ng 2030, 10% ng ating populasyon ay senior citizens.

Napakahalagang pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating mga lolo at lola dahil, dala na rin ng kanilang katandaan, lantad sila sa maraming karamdaman. Mabuti na lamang at naipasá na ang Universal Health Care Law na makatutulong upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilyang nag-aaruga sa kanilang mga matatandang may sakit. Gayunman, maliban sa pagtiyak na sapat ang pondong inilalaan ng pamahalaan para sa mga nangangailangan ng tulong-medikal, kailangan ding pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga matatandang iwasan ang pagkakasakit. Inaasahan nating magiging mahirap ito lalo na’t nagpapatuloy ang COVID-19 at ang matatanda ang pinakamadaling kapitan ng sakit na ito.

Samakatuwid, ang pangangalaga sa mga matatanda ay hindi lamang dapat na tungkulin ng mga pamilya. Tungkulin din ito ng lipunang kanilang binuo at pinatatag noong malalakas pa sila. Sabi nga ni Pope Francis, ang mga lolo’t lola natin ang paalalang malaking biyaya ang katandaan. Ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng ating Santo Papa sa mga nakatatandang katulad niya kaya itinalaga niya ang ikaapat na Linggo ng Hulyo bilang “World Day for Grandparents and the Elderly”. Ginunita natin ito kahapon.

Mga Kapanalig, ang mga salita mula sa Mga Awit 71:9 ay isang panawagan hindi lamang sa mga kapamilya ng ating mga lolo at lola, kundi sa ating lahat: “ Ngayong ako’y matanda na huwag mo akong pabayaan, katawan ko’y mahina na kaya ako’y huwag iiwan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,591 total views

 9,591 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,072 total views

 17,072 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,212 total views

 30,212 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,185 total views

 36,185 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,939 total views

 41,939 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,592 total views

 9,592 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,073 total views

 17,073 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,213 total views

 30,213 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,186 total views

 36,186 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,940 total views

 41,940 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,762 total views

 40,762 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,846 total views

 41,846 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,227 total views

 37,227 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,231 total views

 49,231 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,273 total views

 57,273 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,830 total views

 48,830 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,255 total views

 47,255 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,041 total views

 49,041 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,966 total views

 45,966 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,280 total views

 60,280 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top