Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, binigyan ng bagsak na grado ng ATM

SHARE THE TRUTH

 518 total views

Binigyan ng bagsak na grado ng makakalikasang grupong Alyansa Tigil Mina ang pamumuno ng Administrasyong Duterte sa nakalipas na mga taon.

Ayon kay ATM National Coordinator, Jaybee Garganera, inilalarawan nilang isang malaking kabiguan ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa pagpapatupad ng mga batas para sa pangangalaga sa kalikasan.

Tinukoy ni Garganera ang Department of Environment and Natural Resources na dapat manguna sa pangangalaga sa kalikasan, ngunit hindi ito ang naging layunin ng kagawaran partikular na pagpapahintulot na muling makapagsagawa ng pagmimina sa bansa.

“Dismayado kami kasi binaliktad na lahat ng DENR sa ilalim ni Roy Cimatu ang mga polisiya sa pagmimina. So mas mabilis na ang pagpayag sa mga mining contracts at mas marami nang minahan ang papayagan,” bahagi ng pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Garganera na ang Pilipinas pa rin ang pinaka-mapanganib na bansa para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan sapagkat hindi binibigyang-pansin ng Administrasyong Duterte ang pangangalaga sa karapatang pantao, partikular na sa mga environmental activist.

“Palpak at halos naging inutil din ang gobyerno para pangalagaan ang karapatang pantao lalo na nung mga environmental activist. Pinakadelikadong bansa pa rin ang Pilipinas para sa mga naninindigan para sa kalikasan,” saad ni Garganera.

Samantala, hindi na rin kumbinsido ang grupo na sa natitirang isang taong termino ni Pangulong Duterte ay mabibigyan pa ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan, lalong-lalo na sa karapatang pantao.

Sinabi ni Garganera na mas pagtutuunan ng pamahalaan ngayon ang economic recovery mula sa epekto ng pandemya na ang una ring maaapektuhan ay ang likas na yaman ng bansa.

“Wala na kaming pag-asa na magbabago pa ang pananaw tsaka ‘yung kilos nitong Duterte Administration pagdating sa kalikasan… Isasakrispisyo ang mga gubat, tubig, mga taniman, ‘yung ating mga pangisdaan para lang doon pumunta ang mga puhunan, ang mga korporasyon kasi nananaig ngayon sa Administrasyong Duterte ‘yung usaping economic recovery,” ayon kay Garganera.

Kaugnay nito, ngayon ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte na hudyat din ng huling isang taong termino ng administrasyon nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,582 total views

 44,582 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,063 total views

 82,063 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,058 total views

 114,058 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,785 total views

 158,785 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,731 total views

 181,731 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,832 total views

 8,832 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,338 total views

 19,338 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,251 total views

 7,251 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top