Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, may pagkakataon pang maging mabuting lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

 513 total views

May pagkakataon pa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging mabuting lider at pinuno ng bansa sa natitirang isang taon ng kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa natitirang isang taon sa katungkulan ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng NASSA/Caritas Philippines, bagamat hindi na ganap na magkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang buhay ng mga Filipino.

Gayunman, sinabi ng Obispo na may isang taon pa ang Pangulong Duterte na bawiin o ipatigil ang ilang ipinatupad na polisiya at magpamalas ng kabutihan, kagandahang-asal at integridad.

Iginiit ng Obispo na napapanahon na rin upang magkaroon ng pananagutan ang administrasyon sa mga pagkakamali at pagkukulang nito sa mamamayang Filipino.

“It won’t make any difference now to the lives of the Filipino people even if he gives marching orders to pass his priority legislations, or even to retract his socio-economic policies. It will matter however if, at least for what remains of his term, he will show decency and integrity.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Partikular namang tinukoy ni Caritas Philippines executive secretary Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. ang ginawang pagpapatigil ng pamahalaan sa 9-year moratorium ng pagmimina sa bansa bilang isa sa sumasalamin ng kapabayaan ng administrasyong Duterte sa kapakanan ng taumbayan mula sa pagkasira ng kalikasan.

Matatandaang Abril ng kasalukuyang taong 2021 ng nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130 kung saan winakasan ang moratorium sa mga bagong mining agreements na pinangangambahan naman higit na magdulot ng malawakang pinsala sa natural na angking yaman ng kalikasan.

“The lifting of the 9-year mining moratorium also reflects how negligent the present administration is of the international appeal to run after and stop ecological injustices,” Pagbabahagi ni Fr. Antonio Labiao Jr.

Umaasa naman ang Pari na sa halip na sa pamumulitika ay gamitin na lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang natitirang isang taon sa katungkulan upang mapag-isa ang buong bansa lalo na sa pagharap sa patuloy na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“He needs to focus his energy in uniting the country as we still grapple from the devastating effects of the pandemic.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Kaugnay nito, maituturing ang ika-6 at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hudyat ng huling isang taon sa termino ng administrasyon at simula ng paghahanda sa nakatakdang National and Local Elections sa susunod na taon

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 43,001 total views

 43,001 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,482 total views

 80,482 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,477 total views

 112,477 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,216 total views

 157,216 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,162 total views

 180,162 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,420 total views

 7,420 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,998 total views

 17,998 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,421 total views

 7,421 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,367 total views

 61,367 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,955 total views

 38,955 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,894 total views

 45,894 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top