Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapabayaan ng mamamayan at gobyerno sanhi ng malawakang pagbaha

SHARE THE TRUTH

 1,508 total views

Hindi lamang bagyo at landscape ng mga lugar ang sanhi ng nararansang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa tuwing tag-ulan.

Ito ang binigyang diin ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco kaugnay sa nararanasang malawakang pagbaha sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan dulot ng Habagat na higit pang pinalalakas ng Bagyong Fabian.

Ayon sa Obispo, kabilang sa mga panguhing dahilan ng pagbaha lalo na sa kalakhang Maynila ay ang mga basura na bumabara sa mga kanal at imburnal.

Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na bukod sa mga natural na kalamidad na regular na nanalasa sa bansa ay isa ring suliraning dapat masolusyunan ay ang pagtatapon ng basura ng mamamayan sa lansangan.

“In many places you can see that ‘yung makikita nating daan is sometimes up and down so may mga lugar na mababa at madaling bumaha pumunta ang tubig dun so ‘yan ang isa sa mga realities ‘yung landscape. Pero maraming mga dahilan kung bakit bumabaha, so hindi lang dahil mababa ang lugar kung minsan hindi mababa ang lugar pero baha, bakit? Basura na clogged ‘yung mga imburnal. ‘Yan ang isang medyo problema natin sa syudad – in places na develop – kung minsan ‘yung basura, people are not so concern kung saan nila tinatapon, they just throw anywhere so ito rin ang nagiging sanhi ng mga pagbaha.” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo na nakahanda ang Diyosesis ng Cubao na tumugon sa mga residente at mga parokya na maaring maapektuhan ng patuloy na pag-ulan sa pamamagitan ng pagbubukas ng iba pang mga Simbahan upang magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga walang masisilungan.

“Wala pa akong narinig o nag-inform sa akin, normally ‘yung Roxas District medyo mababa dun and what we do just like Sto. Domingo which is another church, we open our churches for kung sakaling may mga flood wala silang masilungan, we open we did in the past.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Tiniyak rin ni Bishop Ongtioco ang kahandaan ng diyosesis na magpaabot ng tulong partikular na ng mga pangunahing pangangailangan ng mga maapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa Obispo, kabilang sa mga patuloy na inisyatibo ng diyosesis ay ang mga community pantry sa bawat parokya partikular na sa The Immaculate Conception Cathedral of Cubao.

“Patuloy pa rin ang ating pag-relief operation sa mga lugar na kung minsan nangangailangan hindi lamang dahil sa bagyong ito kundi dahil nasa pandemya pa tayo, ‘yung community pantry patuloy pa rin in some parishes. Mahigit kalahati doon nagsimula pero yung iba huminto muna dahil walang supply pero ‘yung iba patuloy pa rin like dito sa Cathedral Parish patuloy pa rin.” Ayon pa sa Obispo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,749 total views

 42,749 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,230 total views

 80,230 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,225 total views

 112,225 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,964 total views

 156,964 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,910 total views

 179,910 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,171 total views

 7,171 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,769 total views

 17,769 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,172 total views

 7,172 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,329 total views

 61,329 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,917 total views

 38,917 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,856 total views

 45,856 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top