Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga lungsod sa Pilipinas na mayroong mababang carbon emissions, pinarangalan

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Nag-organisa ang World Wildlife Fund for Nature Philippines ng Earth Hour Cities Challenge, kung saan kinilala ang pitong siyudad sa Pilipinas na nakilahok sa hamon na itaguyod ang kalikasan kasabay ng pagpapaunlad ng mga Lungsod.

Kabilang sa mga nakilahok ang mga Lungsod ng Cagayan De Oro, Makati, Naga, Parañaque, San Carlos, Santa Rosa at Quezon City.

Ayon kay Atty. Angela Consuelo Ibay – Earth Hour Philippines Director, layunin ng EHCC na palaganapin sa bawat lungsod ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mababang carbon emissions habang kasabay parin nito ang pag-unlad ng kanilang industriya.

Dagdag pa nito sa pamamagitanng EHCC, mahihikayat ang bawat lungsod na isaalang-alang ang pangangalaga at pagpapayabong sa kalikasan upang mabigyan ng masmaayos at komportableng pamumuhay ang bawat residente.

“Cities play a major role as contributors to climate change and rapid development. They are centers for consumption and carbon emissions – generating 70% of global emissions. With the cities of Santa Rosa, San Carlos, Makati and our other green hubs leading the way, we can create cleaner and more livable spaces for Pinoys. We hope the example set by our seven Earth Hour City Challenge entries convinces other Pinoy cities to develop sustainably. Homegrown solutions are already available to transform our cities into eco-friendly, stress-free and low-carbon urban spaces,” bahagi ng pahayag ni Atty. Ibay.

Itinanghal ang Santa Rosa City Laguna bilang National winner sa Earth Hour Cities Challenge.

Samantala, napabilang naman sa finalist sa isang international campaign na WWF We Love Cities Campaign ang tatlong Lungsod sa Pilipinas.

Nakamit ng San Carlos City, Negros Island Region ang ika-apat na pwesto sa We Love Cities Campaign, nasa pang limang pwesto naman ang City of Santa Rosa, at pang labing siyam ang Makati City, mula sa 124 na mga lungsod na nakilahok, mula sa 20 iba’t ibang mga bansa.

Hinirang bilang kampiyon sa kompetisyon ang Bogor na tinaguriang Green City sa Indonesia.

Kaugnay dito ipinapaalala sa Laudato Si ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle ng bawat tao at sa pagsasama sama ng isang buong komunidad ay makakamit ng mundo ang kinakailangan nating ecological conversion.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 4,291 total views

 4,291 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 78,592 total views

 78,592 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 134,349 total views

 134,349 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 95,343 total views

 95,343 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 96,453 total views

 96,453 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 1,567 total views

 1,567 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 175,433 total views

 175,433 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 119,279 total views

 119,279 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567