Mga magulang, hinimok ng CBCP-BEC na maging katekista sa mga anak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na malaki ang gampanin ng mga magulang sa paghubog ng kanilang mga anak sa turo ng simbahan.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, chairman ng CBCP-Basic Ecclessial Community (BEC) malaking hamon ang karanasan ng pandemya sa larangan ng katesismo lalo na sa kabataan.

Iginiit ng arsobispo na bago pa ang pandemya ay kulang ang panahon ng katesismo lalo sa pampublikong paaralan na gampanin ng mga magulang na ituro sa mga anak ang aral ng simbahan.

“Mas maganda kung ang mga magulang ang unang katekista sa mga kabataan; malaki ang papel ng mga magulang at ng BEC para matutukan ang wastong paghubog sa kabataan ng ating pananampalataya,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ni Archbishop Cabantan ang kahalagahan ng BEC sa pagsusulong ng katesismo sa pangkabuuang mamamayan lalo’t limitado lamang ang makadadalo sa mga misa.

“May online masses tayo pero may mga lugar na walang internet, so hindi sila nakakapagsimba, isa rin ito sa dahilan na nahahadlangan ang katesismo,” ani ng arsobispo.

Dahil dito may ilang lugar sa bansa na naglunsad ng mga chapel-based catechism at mas hinimok ang mga BEC na maging aktibong katuwang sa mga katekista sa pagtuturo upang higit na mapagyabong ang pananampalataya ng mga kabataan.

Sa isinagawang survey ng National Catechetical Studies at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis nasa humigit kumulang 50, 000 lamang ang mga katekista sa buong bansa na karamihan ay kababaihan o wala pang isang porsyento para sa 80 milyong katoliko sa bansa.

Pinaiigting ng CBCP-BEC ang mga programa sa mga munting pamayanan at hinasa ang mga kasapi nito upang higit na maipalaganap ang turo ng simbahan lalo ngayong ipinagdiwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo kung saan hamon sa bawat isa ang pagmimisyon.

“Ang palagiang pagdalo sa mga gawain ng BEC tulad ng prayer session at iba pa ay isang paraan namaipakita ang buhay na katesismong nais makamit sa pagpapayabong ng pananampalataya,” giit ni Archbishop Cabantan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 40,889 total views

 40,889 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 40,889 total views

 40,889 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 40,889 total views

 40,889 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 39,562 total views

 39,562 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 36,073 total views

 36,073 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top