Unang novema mass ng PPCRV, pinangunahan ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Pinangunahan ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – incoming president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang unang serye ng novena mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng isang online mass ay ibinahagi ng Obispo ang mahahalagang katangian na dapat na taglayin hindi lamang ng mga kandidato kundi maging ng mga botante para sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

Kabilang sa mga partikular na tinukoy ni Bishop David ang pagiging maka-Diyos, maka-tao, maka-bayan at makakalikasan ng bawat isa lalo na ang mga Kristiyano’t Katoliko.

“The Parish Pastoral Council for Responsible Voting is launching this Prayer Power Campaign to promote some very basic values especially in preparing for the 2022 election and what values are we talking about – maka-Diyos, maka-tao, maka-bayan at makakalikasan.” pagninilay ni Bishop David

Pagbabahagi ng Obispo, ang pagiging Kristiyano ay hindi nangangahulugan ng basta pagtanggap sa mga nagaganap sa kanyang paligid sa halip ay ang paglaban at paninindigan laban sa mga maling nagaganap na dulot ng kasamaan.

Paliwanag ni Bishop David, ang kasamaan na dulot ng kadiliman ang dapat na sama-samang pagwagian ng mga mananampalataya sapagkat ito ang nag-uudyok at nagdudulot ng kasamaan sa ilang mga indibidwal.

“Christianity is not about accepting but resisting evil consistently, ang kalaban natin is evil not people, evil at work in people.” Dagdag pa ni Bishop David.

Tinagurian ang serye ng novena masses na gagawain sa loob ng siyam na buwan na PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na nagsimula noong ika-9 ng Setyembre, 2021 at magtatapos mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Layunin ng gawain na ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalinong pagboto ng bawat mamamayang Pilipino sa nakatakdang 2022 National and Local Elections para sa kinabukasan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 125,214 total reads

 125,214 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 200,562 total reads

 200,562 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 234,011 total reads

 234,011 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 269,309 total reads

 269,309 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,938 total reads

 490,938 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top