Paghandaan ang 2022 election – PPCRV sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Naaangkop lamang ang maagang paghahanda ng mga botante sa 2022 elections.

Ito ang ibinahagi ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Board of Trustee Member Msgr. Julius Perpetuo Heruela sa mga ginagawang aktibidad ng iba’t ibang sektor kabilang na ang Simbahan bilang paghahanda sa nakatakdang halalan.

Ayon sa Pari, tulad ng maagang pagpapakilala ng mga pulitiko sa iba’t ibang paraan ay mahalaga ring maagang maging mapanuri ang mga botante na maaring maging batayan sa pagpili at pagkilatis sa mga ihahalal na opisyal.

Kabilang na tinukoy ni Msgr. Heruela na paraan ng mga pulitiko upang maagang makapagkilala higit isang taon bago pa man ang eleksyon ay ang paggamit ng social media at ang nakagawiang pagsasabit ng mga tarpaulin sa iba’t ibang lugar.

“Marami pong politiko na nagpapakilala na talaga, through tarpaulin and then through social media may mga pa-raffle pa nga sila that is tingin ko 1-year ago pa nila ginagawa yan ng mga pulitiko, kaya dapat maaga rin tayong magprepare sa election kasi kung sila 1 year ahead dapat tayo mas ahead sana sa kanila,” pahayag ni Msgr. Julius Perpetuo Heruela sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ng Pari na siya ring Head ng Diocesan Electoral Board (DEB) ng Diocese of Dumaguete na naaangkop lamang na maagang maging mapanuri ang bawat botante sa sistema ng pulitika sa bansa kabilang na ang iba’t ibang paraan ng mga pulitiko upang makakuha ng boto.

Samantala ibinahagi naman ni Msgr. Heruela ang pagtutok ng Diyosesis ng Dumaguete sa pagiging aktibo ng mga kabataan para sa papalapit na halalan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng voters education na mula sa module ng PPCRV na hango naman sa Pambansang Konstitusyon ng Pilipinas.

Paliwanag ng Pari, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 virus kung saan mas lantad ang mga nakatatanda ay mas higit na kinakailangan ang presensya ng mga kabataan sa pagbabantay sa nakatakdag halalan.

“Dito sa Diocese of Dumaguete actually ang ginagawa namin ngayon, we are targeting muna yung mga youth this time, kasi mga youth ang ating makakapag-mobilize, makapagwork during election at the same time we are trying to mobilized voters education ang PPCRV gumagawa ng module para sa basic values natin na kinuha sa Constitution,” dagdag pa ni Msgr. Heruela.

Patuloy naman ang pananawagan ng Simbahan sa mga hindi pa nakapagpaparehistro partikular na ang mga kabataan na samantalahin ang lalabing araw ng voters registration ng Commission on Elections (COMELEC) na magtatapos sa ika-30 ng Setyembre, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 125,215 total reads

 125,215 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 200,563 total reads

 200,563 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 234,012 total reads

 234,012 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 269,310 total reads

 269,310 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,939 total reads

 490,939 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top