Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga manggagawa sa gig economy

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Mga Kapanalig, nabalitaan ba ninyo ang strike na isinagawa ng mga delivery riders, sorters, at truck drivers ng courier company na J&T? Noong isang linggo, gumawa ng ingay sa social media ang #StandWithJTWorkers kasunod ng mga protestang isinasagawa ng mga manggagawa ng kumpanya dahil sa mga paglabag ‘di umano nito sa kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa.

Kabilang ang mga manggagawang ito sa tinatawag na “gig economy” na naging popular nang mag-umpisa ang pandemya. Ang gig economy ay tumutukoy sa mga trabahong gumagamit ng digital o online platforms para sa kanilang operasyon. Nakabase ang ekonomiyang ito sa paggamit ng teknolohiya katulad ng web-based programs at location-based apps. Maliban sa mga couriers katulad ng J&T, maaari ding maituring na kabilang sa gig economy ang mga freelancers na virtual assistants, social media managers, at ride-sharing drivers.

Sa pagsasara ng mga malls, opisina at iba’t ibang pampublikong lugar dahil sa COVID-19, lumobo ang gig economy sa buong mundo. Ayon sa International Labor Organization (o ILO), mayroong 777 digital labor platforms sa buong mundo mula sa pagdidisenyo ng mga websites hanggang sa mga food delivery services. Higit limang beses itong dumami mula sa 140 na platform isang dekada lamang ang nakararaan. Pinahihintulutan kasi ng ekonomiyang ito ang door-to-door na pagdadala ng mga produkto at serbisyo gayundin ang mga trabaho sa loob mismo ng mga tahanan.

Sa kabila ng benepisyong dala ng gig economy sa mga tao, maraming isyu ang kinakaharap ng mga manggagawa sa ekonomiyang ito. Halimbawa na ang kaso ng J&T kung saan inirereklamo ng mga manggagawa ang kulang nilang overtime pay at health benefits. Hindi rin daw itinataas ang kanilang gas allowances sa gitna ng paglobo ng presyo ng gasolina ngayon, at ipinasasagot pa sa kanila ang mga nasisirang packages. Tinanggal din ang presidente ng United Rank and File Employees of J&T Express, ang unyon ng mga manggagawa ng J&T. Nagsampa na ng kasong “unfair labor practices” ang unyon laban sa pamunuan ng J&T.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng isyu sa gig economy dito sa bansa. Noong Hulyo 2021, mayroon ding mga food delivery riders na nag-protesta dahil naman sa mababang sahod na kanilang natatanggap. Nagkaroon ng debate kung freelancer o may employer-employee relationship ba ang mga riders sa kumpanya upang maging mas malinaw ang mga benepisyong dapat natatanggap ng mga riders at iba pang responsibilidad ng kumpanya sa kanila. Naglabas ang Department of Labor and Employment (o DOLE) ng labor advisory ukol dito, ngunit hindi pa rin malinaw kung mayroong bang employer-employee relationship ang kumpanya at ang mga riders. Nagbigay lamang ang DOLE ng mga tests na kinakailangan pang daanan ng mga kumpanya at manggagawa para matukoy ang ugnayan nila. Labis na ikinadismiya ito ng mga manggagawa.

Ang karapatan ng mga manggagawa ay nakabatay sa kanilang dignidad bilang nilikha ng Diyos. Mahalaga ang paggawa upang mapaunlad ng tao ang kanyang dignidad mula sa pagtugon sa kanyang mga pangangailangan hanggang sa pag-aambag sa kaunlaran ng lipunan at pagpapahusay ng kanyang mga kakayahan. At mahalaga ang papel ng pamahalaan upang masigurong nakakamit ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan.

Mga Kapanalig, ang kawalan ng proteksyon ng mga manggagawa sa gig economy ay nagpapakitang kailangang sabayan ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga batas at patakaran, ang mabilis na pababago ng mundo at teknolohiya. Kinakailangan ang mga agarang aksyon upang masigurong walang mangagawang naisasantabi. Paalala nga sa Santiago 5:4: “Pakinggan ninyo ang sigaw laban sa inyo ng mga sahod na gumagapas sa inyong bukirin dahil hindi ninyo ito ibinigay sa mga manggagawa. Umaabot na ang mga hinaing nila sa pandinig ng Diyos.” Bantayan at isulong natin ang karapatan ng mga manggagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,357 total views

 5,357 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,112 total views

 11,112 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,375 total views

 18,375 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,360 total views

 26,360 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,895 total views

 33,895 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 5,358 total views

 5,358 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 11,113 total views

 11,113 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 18,376 total views

 18,376 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 26,361 total views

 26,361 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,896 total views

 33,896 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,923 total views

 46,923 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,965 total views

 54,965 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,522 total views

 46,522 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,947 total views

 44,947 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,733 total views

 46,733 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,658 total views

 43,658 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,972 total views

 57,972 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,662 total views

 61,662 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,265 total views

 60,265 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,252 total views

 70,252 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top