VeritasPH

The Word, The Truth

 725 total views

Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, Ika-23 ng Disyembre 2022, Luk 1: 57-66

May isang karakter na nasa background ng kuwento, pero hindi binabanggit ni San Lukas sa eksenang binasa natin sa ebanghelyo ngayong umaga: si Maria. Sabi ko sa inyo kamakalawa kaya favorite storyteller ko si San Lukas dahil hindi niya sinasabi lahat sa kuwento niya. Marami siyang mga sinadya na mga puwang na iniwan niya sa imahinasyon ng mambabasa. Halimbawa, kahapon, sa dulo ng Magnificat, sinabi lang niya na tatlong buwan nanatili si Maria para alalayan ang Ate Beth niya sa panganganak.

Noong ikaanim na araw ng simbang gabi, tinawag ko ang pansin ninyo na kung nanahimik si Zacarias, nagtago naman si Elisabet at inexplain ko sa inyo kung bakit, at kung paano siya pinalabas mula sa pagtatago ng tinig ng pagbati ni Maria na nagpalundag sa batang Juan sa sinapupunan niya at pumuspos sa kanya ng Espiritu Santo. Si Maria ang bumasag sa katahimikan ni Elisabet.

Pero may isa pang katahimikan na kailangang basagin: ito ang kay Zacarias. Bukas naman natin pag-usapan ang tungkol sa inawit niya nang matapos na ang pananahimik niya. Pero kung kailangang papagsalitain ang mga nanahimik, kailangan ding patahimikin ang mga maiingay, lalo na ang mga usyoserong walang magawa sa buhay, mga intrigerong anim na buwan na iniwasan ni Elisabet.

Heto ang naiimagine kong conversation nina Elisabet at Maria nang mabalitaan ng mga kapitbahay at kamag-anak ang panganganak ni Elisabet at dumalaw sila. Palagay ko si Maria pa ang nagbukas ng pinto at nagpatuloy sa kanila. Pinasok sa silid si Elisabet at sinabi: “Ate Beth, may bisita. Haharapin mo ba sila? Mga kapitbahay daw at kamaganak, gusto daw nilang makita ang bata.”

“Hindi na siguro, Bayang. Alam ko ang pakay nila—para mag-usyoso at mag-intriga kung sino ba ang kamukha ng bata. At para sulsulan si Zacarias. Maugong na ang ikinalat nilang tsismis na kaya daw nanahimik ang asawa ko ay dahil pinagtaksilan ko siya.”

At ganito naman ang sagot ni Maria: “Ako na muna ang kakarga kay Johnny Boy. Harapin mo na sila, Ate Beth. Mas lalo ka lang nilang pag-uusapan pag pinagtaguan mo sila. Pagpasok pa lang kanina tinatanong na nila sa akin kung ano ang magiging pangalan ng bata. Gusto raw ng mga kamag-anak na Junior ang dapat ipangalan sa bata. Harapin mo sila at sabihin kung ano ang pangalan na ibig mong ibigay sa bata.”

Kaya humarap si Elisabet, kasama si Maria, na siyang may hawak sa bata. “Juan ang pangalan niya.” Pero makulit ang mga kapitbahay; pinalalaki ang intriga. Sabi ba naman nila, “Hindi ba dapat ang tatay ang pumili ng pangalan? Iyun ay kung kinikilala niya ang bata bilang tunay na anak niya.”

Sa palagay ko, pumasok si Maria sa kwarto kung saan naroon ang napiping si Zacarias. Hawak ang bata, ganito ang iniimagine kong sinabi ni Maria: “Kuya, heto ang anak mo. Junior ang gustong itawag sa kanya ng mga kamaganak mo. Sinagot sila ni Ate Beth ‘Juan’ ang gusto ninyong ipangalan sa bata.’ Ibig sabihin ‘regalo ng Diyos.’ Ito naman talaga ang regalong matagal na ninyong hiningi sa Diyos ni Ate Beth, di ba?”

Sabi ni San Lukas, nagsulat daw sa tablet si Zacarias. Lumabas sa kwarto at hinarap ang mga usyosero at pakialamerong kapitbahay at kamaganak. At ipinabasa sa kanila ang isinulat niya sa tablet: “Juan ang pangalan niya.” Sa mga sandaling iyon, bumalik sa kanyang ang sinabi ng anghel na tatawagin siyang Juan. Ang isinulat niya, ngayon ay bibigkasin niya: “Juan ang ipapangalan sa kanya.” At iyun ang bumasag sa katahimikan niya. Noon din mismo biglang natahimik ang mga madadaldal.

Kapag may pinagdaraanan ang tao, karamay ang kailangan niya, hindi mga pakialamero, usyosero at intrigero. Hindi naman lahat ng nagsasalita ay may sinasabi. Sa linggwahe ng mga kabataan ngayon, MEMA ang tawag yata sa ganyan—sumasabat para lang “may ma”, may masabi. Siguro kahit parehong nakikisangkot ang pakialamero at nagmamalasakit alam natin ang pagkakaiba ng dalawa. Negative ang pakikialam, positive ang pagmamalasakit.

Ang tunay na karamay, inaalam niya ang kalagayan ng mahal sa buhay hindi sa hangaring makialam kundi upang magmalasakit. Ang tahimik na pagdamay ng ginawa ni Maria, ito ang mabisang gamot sa mga napipipi o nagtatago o nawawalan ng galak at sigla sa buhay dahil pinangunahan ng pag-aalinlangan at pagdududa.

Sa mga taong bukas ang loob sa Diyos, sa mga taong bumibigkas ng salita upang ang mga nasisiraan ng loob ay muling mabuhayan ng loob, ang Salita ng Diyos ay patuloy na nagkakatawang-tao.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 4,237 total views

 4,237 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 12,222 total views

 12,222 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,758 total views

 19,758 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,744 total views

 35,744 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,788 total views

 43,788 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 215 total views

 215 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,971 total views

 2,971 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,386 total views

 7,386 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,712 total views

 2,712 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,235 total views

 3,235 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,734 total views

 4,734 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,578 total views

 5,578 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,833 total views

 3,833 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,046 total views

 8,046 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,279 total views

 7,279 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,489 total views

 11,489 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,937 total views

 4,937 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,941 total views

 4,941 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,941 total views

 4,941 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,933 total views

 4,933 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top