Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga obispo sa Bohol, pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa people’s initiative

SHARE THE TRUTH

 19,771 total views

Mahigpit na binalaan ng Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol ang mamamayan na huwag magpalinlang sa salapi kapalit ang kinabukasan ng bayan.

Ito ang mensahe nina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative na isinusulong ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA).

Binigyang diin ng mga obsispo na pananagutan ng kasalukuyang henerasyon ang maging kinabukasan ng lipunan lalo na ang pagbalangkas ng mga batas na susundin ng mamamayan.

“Busa, kaming inyong mga obispo ug kaparian, nanawagan sa tanang Pilipinong matoohon: AYAW IBUGTI ANG IMONG PIRMA PINAAGI LAMANG SA SALAPI. Paninglan kita sa mga umaabot nga mga henerasyon kon kita magpalingla,” bahagi ng kanilang pahayag.

[Kaya, kaming inyong mga obispo at mga pari, nanawagan sa lahat ng mananamapalatayang Pilipino: Huwag ninyong ipagpalit ang inyong mga lagda sa salapi. Tayo ang sisisihin ng susunod na henerasyon kung tayo ay padadaya.]

Batid nina Bishops Uy at Parcon na may mga umiikot sa lalawigan lalo na sa mga parokya sa kanayunan na nagpapalagda.

Ayon pa sa dalawang obispo, nakababahala na ang isinusulong na People’s Initiative ay hindi dumaan sa wastong proseso gayundin ang usapin na paglalaan ng 20-milyong pisong pondo batay sa salaysay ni Senator Imee Marcos na inilalaan sa bawat distrito ng mga Kongresista para suhulan ang taumbayan kapalit ang paglagda sa P.I.

“Ang makapatingala mao nga walay gihimong konsultasyon ni bisan unsang pagpasabot sa katawhan kun unsa ang unod nianang ilang papirmahan,” ani ng mga obispo.

[Nakapagtataka na walang isinagawang konsultasyon o anumang pagpapaliwanag sa mga tao kung ano ang nilalaman ng kanilangpinapipirmahan.]

Sinabi ng dalawang lider ng simbahan na kaduda-duda ang pagsusulong ng People’s Initiative na maaaring sinusuportahan ng ilang bansa, negosyante o pulitiko na isinusulong ang pansariling interes sa halip na tutukan ang taumbayan.

Gayunpaman iginiit ng mga obispo na walang mali sa mga pagbabagong gagawin sa anumang batas sa bansa ngunit kinakailangang dumaan ito sa wastong proseso at may sapat na konsultasyon at pagpapaliwanag sa publiko.

Tinukoy ng mga lider ng simbahan ang nagpapatuloy na korapsyon, kawalang katarungan, hindi pagkakapantay-pantay, agawan ng teritoryo gayundin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na nararapat bigyang pansin ng mga opisyal ng bayan.

“Apan nasayod kita nga ang problema sa atong nasud dili ang atong balaod, kondili ang sayop o wala pagpatuman sa balaod…Kon walay pagbag-o sa kasingkasing sa tawo, walay charter change nga makasulbad sa atong nagpatongpatong nga problema,” saad ng dalawang obispo.

[Alam nating hindi batas ang suliranin ng ating bansa kundi ang mali at hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas. Kung walang pagbabago sa puso ng mamamayan, walang charter change na makalulutas sa mga suliranin ng bansa.]

Una na ring naglabas ng manifesto ang senado bilang pagtutol sa isinusulong na People’s Initiative na layong palitan ang 1987 Constitution.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 12,960 total views

 12,960 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 87,261 total views

 87,261 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,017 total views

 143,017 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 103,946 total views

 103,946 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,056 total views

 105,056 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,062 total views

 8,062 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567