Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ng Entrepreneurship

SHARE THE TRUTH

 88,758 total views

Ang entrepreneurship ay isang paraan upang maka-alpas sa kahirapan. Sa pamamagitan nito, marami na sa ating mga kababayan ang nagkakaroon ng pagkakataon na kumita at mapa-ibayo pa ang kanilang kaalaman at kakayahan.

Tinatayang umaabot na sa mahigit pa sa 1.1 million ang mga business enterprises sa ating bayan. Base nga 2022 Philippine Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Statistics, 99.6% nito ay maliit o mga MSMEs, habang 0.41% lamang ang malalaki.

Ang entrepreneurship ay isa sa mga solusyon upang maabot natin ang mas mataas na antas ng kaunlaran. Ito’y nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad at pagbabago. Sa Pilipinas, marami tayong modelo o inspirasyon sa pagnenegosyo, gaya nila Henry Sy, John Gokongwei, at Manny Pangilinan. Kapag ating sinuportahan ang pagnenegosyo, mas dadami ang tulad nila, at mas dadami din ang mga oportunidad para sa mamamayang Pilipino. Mapapaunlad natin ang ating mga sarili at ang bansa.

Isa sa mga mahalagang papel ng entrepreneurship ay ang paglikha ng trabaho. Sa pagtatayo ng sariling negosyo, nagiging tagapagbigay trabaho ang isang entrepreneur. Kapag mas maraming negosyo ang itinatag, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng trabaho at makatulong sa kanilang pamilya.

Maliban sa paglikha ng trabaho, ang entrepreneurship ay nagbibigay daan sa paglikha ng mga bagong produkto at serbisyo. Nagbibigay ito ng mas maraming opsyon sa lipunan. Nagdadala ito ng masiglang kompetisyon, na nagtataguyod ng pag-unlad at pagpapabuti ng kalidad ng produkto at serbisyo. Sinusulong nito ang inobasyon.

Kinakailangan ng mga entrepreneurs sa ating bansa ang angkop na suporta mula sa pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan. Dapat magkaruon ng mga programa at pondo ang pamahalaan na naglalayong suportahan ang mga nagnanais magnegosyo. Ito’y maaaring sa pamamagitan ng pautang, training, at iba pang mga serbisyong makakatulong sa kanilang tagumpay.

Pangalawa, mahalaga ang edukasyon tungkol sa entrepreneurship. Ang mga paaralan at unibersidad ay dapat magkaroon ng mga kurso na nagtuturo ng mga kasanayan at kaalaman sa pagnenegosyo. Sa ganitong paraan, maaari nang mabuo ang entrepreneurial mindset sa mga kabataan, na magiging sandata nila sa pagharap sa mga hamon ng hinaharap.

Kinakailangan din ang pagbabago sa kaisipan ng lipunan tungkol sa pagnenegosyo. Dapat ituring nating mga bayani ang ating mga entrepreneurs. Tinataguyod nila hindi lamang ang kanilang negosyo, kundi pati ang ating bansa. Sabi nga ni Pope Francis sa mga steel workers sa Genoa Italy nung kanyang binisita ang mga ito: There is no good economy without a good entrepreneur, without the ability to create work. Napakahalaga ng papel ng entrepreneurs sa ating bayan. Kapag ating pinalakas at sinulong ang entrepreneurship, mas mapapabilis ang pag-angat ng Pilipinas.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 15,382 total views

 15,382 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 31,470 total views

 31,470 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 69,199 total views

 69,199 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 80,150 total views

 80,150 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 24,089 total views

 24,089 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 15,383 total views

 15,383 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 31,471 total views

 31,471 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 69,200 total views

 69,200 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 80,151 total views

 80,151 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,923 total views

 91,923 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,650 total views

 92,650 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,439 total views

 113,439 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,900 total views

 98,900 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,924 total views

 117,924 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top