Mga obispo sa Bohol, pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa people’s initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,153 total reads

Mahigpit na binalaan ng Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol ang mamamayan na huwag magpalinlang sa salapi kapalit ang kinabukasan ng bayan.

Ito ang mensahe nina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative na isinusulong ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA).

Binigyang diin ng mga obsispo na pananagutan ng kasalukuyang henerasyon ang maging kinabukasan ng lipunan lalo na ang pagbalangkas ng mga batas na susundin ng mamamayan.

“Busa, kaming inyong mga obispo ug kaparian, nanawagan sa tanang Pilipinong matoohon: AYAW IBUGTI ANG IMONG PIRMA PINAAGI LAMANG SA SALAPI. Paninglan kita sa mga umaabot nga mga henerasyon kon kita magpalingla,” bahagi ng kanilang pahayag.

[Kaya, kaming inyong mga obispo at mga pari, nanawagan sa lahat ng mananamapalatayang Pilipino: Huwag ninyong ipagpalit ang inyong mga lagda sa salapi. Tayo ang sisisihin ng susunod na henerasyon kung tayo ay padadaya.]

Batid nina Bishops Uy at Parcon na may mga umiikot sa lalawigan lalo na sa mga parokya sa kanayunan na nagpapalagda.

Ayon pa sa dalawang obispo, nakababahala na ang isinusulong na People’s Initiative ay hindi dumaan sa wastong proseso gayundin ang usapin na paglalaan ng 20-milyong pisong pondo batay sa salaysay ni Senator Imee Marcos na inilalaan sa bawat distrito ng mga Kongresista para suhulan ang taumbayan kapalit ang paglagda sa P.I.

“Ang makapatingala mao nga walay gihimong konsultasyon ni bisan unsang pagpasabot sa katawhan kun unsa ang unod nianang ilang papirmahan,” ani ng mga obispo.

[Nakapagtataka na walang isinagawang konsultasyon o anumang pagpapaliwanag sa mga tao kung ano ang nilalaman ng kanilangpinapipirmahan.]

Sinabi ng dalawang lider ng simbahan na kaduda-duda ang pagsusulong ng People’s Initiative na maaaring sinusuportahan ng ilang bansa, negosyante o pulitiko na isinusulong ang pansariling interes sa halip na tutukan ang taumbayan.

Gayunpaman iginiit ng mga obispo na walang mali sa mga pagbabagong gagawin sa anumang batas sa bansa ngunit kinakailangang dumaan ito sa wastong proseso at may sapat na konsultasyon at pagpapaliwanag sa publiko.

Tinukoy ng mga lider ng simbahan ang nagpapatuloy na korapsyon, kawalang katarungan, hindi pagkakapantay-pantay, agawan ng teritoryo gayundin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na nararapat bigyang pansin ng mga opisyal ng bayan.

“Apan nasayod kita nga ang problema sa atong nasud dili ang atong balaod, kondili ang sayop o wala pagpatuman sa balaod…Kon walay pagbag-o sa kasingkasing sa tawo, walay charter change nga makasulbad sa atong nagpatongpatong nga problema,” saad ng dalawang obispo.

[Alam nating hindi batas ang suliranin ng ating bansa kundi ang mali at hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas. Kung walang pagbabago sa puso ng mamamayan, walang charter change na makalulutas sa mga suliranin ng bansa.]

Una na ring naglabas ng manifesto ang senado bilang pagtutol sa isinusulong na People’s Initiative na layong palitan ang 1987 Constitution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,184 total reads

 78,184 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,387 total reads

 156,387 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,834 total reads

 189,834 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,131 total reads

 225,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,528 total reads

 448,528 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top