13,278 total views
Paigtingin ang pagtuturo ng ensiklikal ng Kaniyang Kabanalang Francisco na Fratelli Tuti sa mga kabataan upang maisulong ang tunay na kapayapaan sa lipunan.
Ito ang mensahe ni La Union Bishop Daniel Presto na Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa paggunita ngayong araw January 24 sa International Day of Education.
Ayon sa Obispo, katulad ng tema ngayong taon na itinalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization sa ‘Learning for Lasting Peace’ ay napakahalaga na maisulong ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
“Kaya nga siguro itong peace education lalo na sa tinatawag natin bahagi ng transformative education ay matagal ng panawagan lalot higit sa mga programs ng Catholic Schools sa ating bansa, kung saan ang peace education ay naglalayon ng pagbubuo upang maiwasan din ang ibat-ibang forms of violence,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.
Giit ng Obispo, bukod sa mga digmaan at sigalot, nararanasan rin ng mga kabataan ang ibat-ibang uri ng suliraning panlipunan na katulad ng rasismo, diskriminasyon, hate speech at hindi pagkakapantay-pantay.
Ito ay upang maisulong at maipaintindi sa kamalayan ng mga bata at kabataang estudyante ang pagkakapatiran upang sa hinaharap ay mamamayani ang kapayapaan.
“Gayundin naman itong peace education malaking panawagan para sa rule ng education at ng mga teachers upang ibahagi at turuan ang mga bata at mga kabataan na kanilang tinuturuan na mamuhay ayon sa kapayapaan, off course sa ating lugar mahirap din ito lalot higit doon sa mga nangyayaring violence doon sa kapaligiran makikita yan sa hindi lang yung giyera or awayan, yung paggamit ng dahas sa kapwa gayundin sa ordinaryong pangyayari,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.
Ayon sa UNESCO, ang pagtatalaga ng tema ‘Learning for Lasting Peace’ ay upang maisulong sa buong mundo na maging mapayapa ang mga lugar kung saan nag-aaral ang mga estudyante at maging ligtas ang kanilang kalagayan habang tinatamasa ang edukasyon.