Mga opisyal ng DPWH, pinagsusumite ng courtesy resignation ng kalihim ng ahensiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,148 total reads

Maglalabas ng direktiba si bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na humingi ng courtesy resignation mula sa lahat ng mataas na opisyal ng ahensya.

Ito ang inanunsyo ng bagong talagang kalihim matapos niyang palitan si dating Secretary Manuel Bonoan sa gitna ng kontrobersya sa tanggapan kaugnay sa mga ghost at substandard flood control projects.

Sasaklawin ng kautusan ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers bilang bahagi ng malawakang reporma laban sa katiwalian at maanomalyang proyekto.

“Unang-una po, ang unang-una ko pong order na ilalabas ay ang pag-order ng courtesy resignations top to bottom – usec., asec., division head, regional director hanggang district engineer ng buong bansa. Iyan po ang unang-unang order na gustong ipalabas ng ating Pangulo,” ayon kay Dizon sa ginanap na press briefing sa Malacañan.

Kasabay nito, ipatutupad din ni Dizon ang agarang lifetime blacklisting sa mga kontratistang mapatutunayang sangkot sa substandard projects at ghost projects.

Dagdag pa ng kalihim, “…itong mga ghost projects at substandard projects, klinir [cleared] ko na rin po sa ating Pangulo na ang mga contractors nitong mga ghost projects na ito, unang-una, mag-i-impose po ako ng lifetime blacklisting, ban, immediately. Kapag ang isang project ng isang contractor ay ghost o napatunayang substandard, wala na po itong proseso, wala nang imbestigasyon, automatic po blacklisted for life ang contractor na iyan. At siyempre, may kaakibat din pong kaso iyan.”

Hindi na dadaan sa mahabang proseso ng imbestigasyon ang mga kumpanyang mapapatunayang lumabag, at agad na isusumite ang mga kaso sa itatatag na Independent Commission.

Ayon sa kalihim, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kampanya upang matiyak na dekalidad ang lahat ng imprastrukturang pinopondohan ng bayan at mapanagot ang mga tiwali sa ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 95,081 total reads

 95,081 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 233,593 total reads

 233,593 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 349,370 total reads

 349,370 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 466,188 total reads

 466,188 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top