Mga pari, ituring na tao, hindi poon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total views

Ito ang paalala ni Malolos Bishop Dennis Villarojo sa mga mananampalataya, sa ordinasyon ng tatlong pari sa Diyosesis ng Malolos, ika-10 ng Disyembre sa Minor Basilica of the Immaculate Conception – Malolos Cathedral.

Ayon sa Obispo, ang mga pari ay totoong tao at hindi mga poon na kailangang alagaan, bihisan, lagyan ng mga pabango, palamuti, bulaklak at kandila.

Sinabi ni Bishop Villarojo na ang pari ay mga tao na nagkakatawang Hesus sa pamamagitan ng pagtulad sa Panginoon sa lahat ng aspeto kasama na ang pagyakap sa mga paghihirap at pagdurusa ni Hesus.

“Ito ay hindi mga poon, yan ay totoong tao kaya wag po ninyong bihisan at lagyan ng palamuti at lagyan ng bulaklak at kandila. Pinapadaloy nila ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pagkawangis sa Panginoong Hesukristo. Kung ang Panginoong Hesukristo ay Diyos na nagkatawang tao, ang mga paring ito ay mga tao na nagkatawang Hesus.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Villarojo.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na labis niyang ikinalulungkot kapag nakakikita ng mga pari at mga relihiyoso na mayroong marangyang pamumuhay, at magagarang mga sasakyan.

Pinaalalahanan din naman ni Bishop Villarojo ang tatlong bagong ordinang pari na sina Fr. Laurence Anthony Bautista, Fr. Howard John Tarrayo at Fr Roel Aldwin Valmadrid, na palalimin ang pagmamahal sa Panginoon, at manatiling mga binata na handang mag-alay ng kanilang sarili sa Diyos at sa paglilingkod sa sangkatauhan.

Sa tala, mayroon nang mahigit sa 200 ang mga pari ng Diocese of Malolos habang nasa mahigit 3milyon naman ang dami ng mga mananampalatayang katoliko sa diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 63,643 total views

 63,643 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 63,643 total views

 63,643 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 63,643 total views

 63,643 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 61,687 total views

 61,687 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 56,337 total views

 56,337 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,759 total views

 284,759 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top