Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total views

Nanawagan ang Caritas Sorsogon sa mamamayan ng karagdagang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy.

Sa pahayag ng social arm ng Diyosesis ng Sorsogon, kinakailangan sa kasalukuyan ang karagdagang tulong upang maabot ang bawat pamilyang biktima ng bagyo.

“CARITAS SORSOGON formerly SORSOGON SOCIAL ACTION FOUNDATION INC., the welfare arm of the diocese of Sorsogon, is appealing for your benevolent heart to extend your assistance or aid (cash or in kind) that will help us augment resources intended for the needs of the families devastated by TY Tisoy in Sorsogon,” bahagi ng pahayag ng institusyon.

Samantala 60,000 pamilya ang nasalanta ng bagyo habang sa ulat naman ng Department of Agriculture ay 11-libong ektarya ng sakahan ng palay na nagkakahalaga ng 185 milyong piso ang nasira ng bagyo sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon.

Patuloy ang Diyosesis sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na apektado ng bagyo upang alamin ang mga pangangailangan ng mamamayan kasabay ng pagsusuri na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.

“Our organization has already conducted rapid assessment and coordination to some municipalities and even communities badly hit by typhoon. Presently the LGUs were doing their best to meet the needs of the affected populace, through relief distribution and providing immediate assistance to affected population but the scarce resources is not enough to defray the growing needs of the affected families.” pahayag ng Caritas Sorsogon

Sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong maaring magsadya sa tanggapan ng Diocesan Pastoral Complex, Old Bishops House, 2F Chancery Building Magsaysay St. Brgy Almendras, Sorsogon City.

Matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy, nagpadala ang Caritas Manila sa Diocese of Virac Catanduanes ng 100,000 emergency financial assistance; 100K sa Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro; 200K sa Archdiocese of Nueva Caceres at 200K sa Diocese of Libmanan.

Nagpaabot naman ang Quiapo Church community ng 200K financial assistance sa Diocese of Romblon; 200K sa diocese of Legazpi; 100K sa diocese of Sorsogon; 100K sa diocese of Gumaca; 100K sa diocese of Catarman at 100K sa Archdiocese of Tuguegarao Cagayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,764 total views

 195,764 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,987 total views

 225,987 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 252,632 total views

 252,632 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 347,605 total views

 347,605 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,949 total views

 355,949 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top