Mga pastol ng simbahan, hinimok ng Obispo na talikuran ang makamundong pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,475 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kapwa pastol—lalo na ang mga pari ng diyosesis—na yakapin ang payak na pamumuhay, talikuran ang makamundong pamumuhay, at panibaguhin ang paninindigan sa kabanalan, espirituwal na pagiging ama, at katapatan sa paglilingkod.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa paggunita ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang patron ng mga pari, lalo na ng mga kura paroko.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang mga pari ay inaasahang maging huwaran ng pamumuhay na simple at maka-Diyos. Aniya, hindi dapat makita sa kanila ang pagiging maluho o makamundo, bagkus ay maging buhay na saksi sa kahulugan ng pagtitiwala sa Diyos at pagtalima sa Ebanghelyo.

“It is always a scandal to the faithful when priests live lavishly. Let us be living witnesses against worldliness and materialism,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Dagdag ng obispo na ang mga pari ay hindi lamang inaasahan sa pagbibigay ng sakramento o sa pangangaral, kundi bilang espirituwal na ama na nagmamahal sa paraang gumagabay, nagpoprotekta, at nagsasakripisyo para sa kanyang kawan.

Pinaalalahanan din ni Bishop Santos ang mga pari na ang kanilang pagkakaibigan at pakikitungo ay dapat may “banal na pagmamalasakit” (holy affection), ayon sa panawagan ng Simbahan, at nararapat na magpakita ng pag-iingat sa kilos at pananalita upang hindi magdulot ng iskandalo o pagkalito sa mga mananampalataya.
“Please be reminded, my dear brother priests, that I am most serious in addressing complaints on these matters. I am equally prompt in admonishing them—not out of harshness, but out of love,” giit ni Bishop Santos.

Ipinahayag din ng obispo ang kanyang pakikiisa sa mga pari sa harap ng mga hamon ng bokasyon. Bilang ama ng diyosesis at kapwa pari, tiniyak ng obispo ang kanyang pakikiisa sa kanilang paglalakbay tungo sa kabanalan.

“These obligations are indeed challenging. But you are not alone. I am with you. The Church is with you. And above all, Christ is with you,” aniya.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Bishop Santos ang mga pari na gawing inspirasyon si San Juan Maria Vianney—ang kanyang kahirapan, kalinisan, at sigasig sa pastoral na paglilingkod—upang muling mapaliyab ang kanilang sariling puso sa paglilingkod sa Panginoon.

“Let us be priests who are not only respected but also revered for our holiness. May our people see in us not just ministers, but spiritual fathers, servants of grace, and witnesses to eternity,” dagdag pa ng obispo.

Si San Juan Maria Vianney ay isang paring Pranses na isinilang noong panahon ng French Revolution, kung kailan matindi ang pag-uusig sa Simbahang Katolika. Sa kabila ng mga pagsubok, naitalaga siya bilang kura paroko sa bayan ng Ars kung saan maraming tao ang tumalikod na sa pananampalataya.

Sa pamamagitan ng kanyang malalim na pananampalataya, payak na pamumuhay, at masigasig na paglilingkod, unti-unting muling nabuhay ang pananampalataya sa nasabing pamayanan. Kilala siya sa buong France at Simbahan dahil sa dedikasyon sa sakramento ng kumpisal, kung saan naglalaan siya ng halos 16 na oras bawat araw upang tanggapin ang mga nagsisisi.
Pumanaw siya noong Agosto 4, 1859 sa edad na 73. Idineklara siyang santo noong 1925 ni Pope Pius XI at opisyal na kinilalang patron ng mga kura paroko noong 1929.

Ayon sa datos ng Catholic Hierarchy noong 2022, tinatayang nasa 3 milyon ang mga Katoliko sa Diyosesis ng Antipolo, na bumubuo ng 81 porsyento ng populasyon sa lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina.

Sa diwa ng kapistahan, muling iginiit ng Obispo ng Antipolo na ang tunay na kabanalan ay nasasalamin sa pamumuhay ng bawat pari—bilang larawan ni Kristo sa piling ng Kanyang kawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 10,577 total views

 10,577 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 31,558 total views

 31,558 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 53,986 total views

 53,986 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 227,763 total views

 227,763 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 204,797 total views

 204,797 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top