Dayalogo, tugon sa hindi pagkakaunawaan hindi digmaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,732 total reads

Nanindigan si Pope Leo XIV na hindi digmaan ang tugon sa anumang hindi pagkakaunawaan kundi dayalogo.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square, nanawagan si Pope Leo ng kapayapaan sa gitna ng lumalalang mga digmaan sa mundo, binigyang-pugay ang kabataang Kristiyano, at inanunsyo ang nalalapit na World Youth Day sa South Korea.

Binigyang-diin ni Pope Leo ang presensiya ng mga perigrinong kabataan sa Roma na lumahok sa Jubilee of Young People, bilang tanda ng pag-asa na ang pagkakapatiran ay posible sa kabila ng pagkakaiba ng kultura, tradisyon at paniniwala.

“My young brothers and sisters, you are the sign that a different world is possible: a world of fraternity and friendship, where conflicts are not resolved with weapons but with dialogue,” ayon kay Pope Leo.

Inihayag ng santo papa ang kanyang pakikiisa lalo na sa mga kabataang nagdurusa sa digmaan sa Ukraine at Gaza, gayundin sa iba pang lugar, lalo na sa Middle East, kung saan maraming tao na ang lubhang apektado at napilitang lisanin ang kanilang lugar para sa kaligtasan.

Umaasa ang punong pastol sa mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo na pagsumikapan ng mga kabataan na maging asin at liwanag sa mundong nababalot ng dilim dulot ng digmaan, kahirapan at iba pang suliraning panlipunan.

“With Christ, it is possible! With his love, with his forgiveness, and with the power of his Spirit,” saad ng santo papa.

Kasabay nito, inanunsyo ni Pope Leo ang pagdaraos ng World Youth Day mula Agosto 3 hanggang 8, 2027, na unang itinakda ni noo’y Pope Francis sa South Korea.

Ang tema ng WYD 2027 ay “Take courage! I have overcome the world,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan, kabanata 16, talata 33—isang hamon sa bawat kabataang patuloy na manindigan sa misyong iniatang ni Kristo na ibahagi ang Mabuting Balita sa buong mundo.

Ang Jubilee of Young People ay bahagi ng Extraordinary Jubilee na inilunsad ng Simbahang Katoliko upang hikayatin ang kabataan sa mas malalim na pananampalataya at pakikiisa.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,137 total reads

 41,137 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,145 total reads

 121,145 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,592 total reads

 154,592 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,891 total reads

 189,891 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,863 total reads

 414,863 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top