Mga pastol ng simbahan, hinimok ng Obispo na talikuran ang makamundong pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,585 total reads

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kapwa pastol—lalo na ang mga pari ng diyosesis—na yakapin ang payak na pamumuhay, talikuran ang makamundong pamumuhay, at panibaguhin ang paninindigan sa kabanalan, espirituwal na pagiging ama, at katapatan sa paglilingkod.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa paggunita ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang patron ng mga pari, lalo na ng mga kura paroko.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang mga pari ay inaasahang maging huwaran ng pamumuhay na simple at maka-Diyos. Aniya, hindi dapat makita sa kanila ang pagiging maluho o makamundo, bagkus ay maging buhay na saksi sa kahulugan ng pagtitiwala sa Diyos at pagtalima sa Ebanghelyo.

“It is always a scandal to the faithful when priests live lavishly. Let us be living witnesses against worldliness and materialism,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Dagdag ng obispo na ang mga pari ay hindi lamang inaasahan sa pagbibigay ng sakramento o sa pangangaral, kundi bilang espirituwal na ama na nagmamahal sa paraang gumagabay, nagpoprotekta, at nagsasakripisyo para sa kanyang kawan.

Pinaalalahanan din ni Bishop Santos ang mga pari na ang kanilang pagkakaibigan at pakikitungo ay dapat may “banal na pagmamalasakit” (holy affection), ayon sa panawagan ng Simbahan, at nararapat na magpakita ng pag-iingat sa kilos at pananalita upang hindi magdulot ng iskandalo o pagkalito sa mga mananampalataya.
“Please be reminded, my dear brother priests, that I am most serious in addressing complaints on these matters. I am equally prompt in admonishing them—not out of harshness, but out of love,” giit ni Bishop Santos.

Ipinahayag din ng obispo ang kanyang pakikiisa sa mga pari sa harap ng mga hamon ng bokasyon. Bilang ama ng diyosesis at kapwa pari, tiniyak ng obispo ang kanyang pakikiisa sa kanilang paglalakbay tungo sa kabanalan.

“These obligations are indeed challenging. But you are not alone. I am with you. The Church is with you. And above all, Christ is with you,” aniya.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Bishop Santos ang mga pari na gawing inspirasyon si San Juan Maria Vianney—ang kanyang kahirapan, kalinisan, at sigasig sa pastoral na paglilingkod—upang muling mapaliyab ang kanilang sariling puso sa paglilingkod sa Panginoon.

“Let us be priests who are not only respected but also revered for our holiness. May our people see in us not just ministers, but spiritual fathers, servants of grace, and witnesses to eternity,” dagdag pa ng obispo.

Si San Juan Maria Vianney ay isang paring Pranses na isinilang noong panahon ng French Revolution, kung kailan matindi ang pag-uusig sa Simbahang Katolika. Sa kabila ng mga pagsubok, naitalaga siya bilang kura paroko sa bayan ng Ars kung saan maraming tao ang tumalikod na sa pananampalataya.

Sa pamamagitan ng kanyang malalim na pananampalataya, payak na pamumuhay, at masigasig na paglilingkod, unti-unting muling nabuhay ang pananampalataya sa nasabing pamayanan. Kilala siya sa buong France at Simbahan dahil sa dedikasyon sa sakramento ng kumpisal, kung saan naglalaan siya ng halos 16 na oras bawat araw upang tanggapin ang mga nagsisisi.
Pumanaw siya noong Agosto 4, 1859 sa edad na 73. Idineklara siyang santo noong 1925 ni Pope Pius XI at opisyal na kinilalang patron ng mga kura paroko noong 1929.

Ayon sa datos ng Catholic Hierarchy noong 2022, tinatayang nasa 3 milyon ang mga Katoliko sa Diyosesis ng Antipolo, na bumubuo ng 81 porsyento ng populasyon sa lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina.

Sa diwa ng kapistahan, muling iginiit ng Obispo ng Antipolo na ang tunay na kabanalan ay nasasalamin sa pamumuhay ng bawat pari—bilang larawan ni Kristo sa piling ng Kanyang kawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,879 total reads

 75,879 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,721 total reads

 110,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,021 total reads

 146,021 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,290 total reads

 372,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,563 total reads

 261,563 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top