Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,625 total views

Ang Mabuting Balita, 28 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 5-11

MGA PEKENG PROPETA

Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Jesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”

————

Nakakatakot ang ebanghelyo tulad ng prediksyon kamakailan lamang na magkakaroon ng “solar storm” mula Nobyembre 25 hanggang Nobyembre 26 na maaaring tumama sa mundo at magkaroon ng isang “geomagnetic storm” na gugulo sa “magnetic field” at “atmosphere” ng mundo.

Nagsalita si Jesus tungkol sa mangyayari sa Templo ng Jerusalem at siya’y tinanong nila kung kailan ito mangyayari. Hindi niya sinabi kung kailan, ngunit sinabihan sila na huwag paliligaw o magpalinlang sa mga magpapanggap na Mesiyas, o sa maikling salita, huwag magpalinlang sa MGA PEKENG PROPETA. Tunay na napakaraming pekeng propeta ngayon, at ang pinakamasama ay yaong ginagawa ang mali na tama, o ginagawa ang imoral na moral. Binabaluktot nila ang mga nakasulat sa Bibliya nang magamit para sa kanilang pangangailangan. Ang tunay na nakakatakot ay hindi ang mga malalakas na lindol, taggutom at salot sa iba’t ibang dako. Ang tunay na nakakatakot ay kapag ang mga ito ay maganap at tayo ay masawi, at hindi natin makamit ang buhay na walang hanggan sapagkat hinayaan nating malinlang tayo ng MGA PEKENG PROPETA.

Panginoon, nais namin maging laging handa na matawag sa mundong ito upang makamit namin ang buhay na walang hanggan kasama mo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 61,857 total views

 61,857 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 83,923 total views

 83,923 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 99,619 total views

 99,619 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 106,494 total views

 106,494 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 166,137 total views

 166,137 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OBSTACLES

 5,208 total views

 5,208 total views Gospel Reading for July 01, 2026 – Matthew 8: 28-34 OBSTACLES When Jesus came to the territory of the Gadarenes, two demoniacs who

Read More »

POWERFUL MANIFESTATION

 5,859 total views

 5,859 total views Gospel Reading for June 30, 2026 – Matthew 8: 23-27 POWERFUL MANIFESTATION As Jesus got into a boat, his disciples followed him. Suddenly

Read More »

FIRST CATECHISTS

 6,107 total views

 6,107 total views Gospel Reading for June 29, 2026 – Matthew 16: 13-19 FIRST CATECHISTS Solemnity of Saints Peter and Paul, Apostles When Jesus went into

Read More »

AUTHOR OF LIFE

 5,118 total views

 5,118 total views Gospel Reading for June 28, 2026 – Matthew 10: 37-42 AUTHOR OF LIFE Jesus said to his apostles: “Whoever loves father or mother

Read More »
Scroll to Top