Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga proyektong pang-ekonomiya, dapat palawigin sa rural areas-ECOP

SHARE THE TRUTH

 340 total views

Pabor si Chairman Emeritus ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), Donald Dee sa plano ng bagong administrasypn na palawigin pa ang ekonomiya ng bansa sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Dee, kailangan na mapalawak pa ang kaunlaran sa mga karatig lalawigan upang mabawasan ang 15 milyong populasyon sa Kamaynilaan na pawang mula sa mga probinsya na nakikipag–sapalaran sa siyudad.

“Matagal na naming hinihingi yun para ma–dispersed din ang mga tao dito sa Metro Manila sa National Capital Region dahil napakasikip, napakarami ng tao rito. Karamihan diyan galing sa probinsya na naghahanap ng trabaho eh wala namang ganoong karaming trabaho dito,” bahagi ng pahayag ni Dee sa panayam ng Veritas Patrol.

Tiwala naman si Dee na kung maipapatupad ng susunod na administrasyon ang mga programa sa imprastraktura ay makalilikha ito ng puhunan mula sa mga foreign at local investors.

Isinisi naman nito na ang Aquino administration ay natuon lamang sa mga blue print at road map ng mga proyekto na naipangako lamang ngunit nagkulang sa implementasyon.

“Kapag nalagay natin ang imprastraktura, kapag naayos natin itong cost of utility para maging pantay o malapit sa mga cost ng ibang bansa, dito sa rehiyon yung economic activities dahil magkakaroon tayo ng malaking investment about local and foreign doon magkakaroon ng opportunity. And I think malapit na tayo roon gawin lang natin itong mga programang ito na hinaharap natin i – implement natin. Dahil ang nangyari nitong nakaraang taon puro tayo blue print and road map pero sa implementation may kakulangan,” giit pa ni Dee sa Radyo Veritas.

Batay naman sa Social Weather Stations o SWS, aabot sa 10 milyong Pilipino ang kasalukuyang walang trabaho o naghahanap ng trabaho.

Nauna na ring ipinaalala ni Pope Francis na ang kaunlaran ay sinasalamin ng isang bayang kinikilala ang dignidad ng mga manggagawa sa siyang nagpapa – unlad ng ekonomiya ng bansa

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,921 total views

 2,921 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,372 total views

 36,372 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 56,989 total views

 56,989 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,661 total views

 68,661 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,494 total views

 89,494 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,599 total views

 37,599 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,648 total views

 36,648 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,778 total views

 36,778 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,757 total views

 36,757 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top