621 total views
Ibinahagi ni Diocese of Gumaca Indigeneous People’s Director Rev Fr. Rey Baldovino ang ilang proyekto ng kanilang diyosesis para sa mga katutubong Dumagat sa kanilang lalawigan.
Ayon sa pari, maraming livelihood programs ang Diyosesis upang matulungan ang mga katutubo na madagdagan ang kanilang pang kabuhayan.
Bukod sa livelihood programs, nagbibigay din ng seminars ang Diocese para madagdagan ang kaalaman ng mga katutubo sa pagpapalago ng kanilang pinagkakakitaan.
“Binibigyan ng iba’t ibang programa para sa kabuhayan ang mga katutubo at binibigyan sila ng karampatang livelihood project para sa kanilang pamumuhay at yung pagprotekta sa kanila.” Pahayag ni Fr. Baldovino.
Samantala, nangangamba naman si Fr. Baldovino na bagamat tumutulong rin ang pamahalaan sa mga katutubo ay hindi ito ganap na nakararating sa mga nangangailangan.
Dahil dito, ayon kay Fr. Baldovino ay mahigpit silang nagmamatyag at sinisiguro ng Diocese of Gumaca na nakararating sa mga katutubo ang tulong na inilaan para sa kanila.
“Batid natin na bagamat may mga programa ang ating pamahalaan ay ito’y na mamantsahan ng iba’t ibang interes, kaya ang simbahan ay aktibo sa pakikiisa at pagtulong para maiabot talaga sa kanila kung ano yung kinakailangan para sa kanila.” Dagdag ng pari.
Ang Pilipinas ay mayroong 14 hanggang 17 milyong mga katutubo, at tinatayang 33% ng kabuuang bilang ng mga ito ang naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre.
Samantala taong 2010 natuklasan ng United Nations Permanent Forum on Indigenous Issues na one-third sa pinaka mahirap na tao sa buong mundo ang mga katutubo.