Mga relihiyoso, hinamon na Obispo na gampanan ang pagiging propeta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,067 total reads

Hinimok ni Taytay Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Office on Stewardship, ang mga relihiyoso na gampanan ang kanilang pagiging propeta sa gitna ng kahirapan, karahasan, pagkasira ng kalikasan at lumalalim na pagkakahati-hati sa lipunan.
Ito ang hamon ng obispo sa kanyang panayam sa ikalawang national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa Zamboanga City kung saan iginiit na hindi sapat na manatili lamang ang mga kongregasyon sa pamamahala ng kanilang mga institusyon.

“The Philippine Church does not need religious who merely manage institutions or maintain the status quo. The Church needs prophets,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, ang pagiging propeta ay hindi lamang tagapagpahayag ng pananampalataya kundi isang konkretong paninindigan para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“You are called to be the conscience of the Church—to prick its complacency, disrupt its comfort, and keep it ready for mission,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng pastol na ang mga relihiyoso ay nararapat na manatiling kasama at makilakbay sa mga mahihirap, katutubo, migrante, matatanda, at iba pang sektor na nakararanas ng pang-aapi sa lipunan.

“Where marginalization exists, religious must be found—remaining with the vulnerable, defending their dignity, and empowering their voice,” giit ng obispo.

Nanindigan din si Bishop Pabillo na walang puwang ang karahasan upang supilin ang mga suliranin sa kapayapaan at mga sigalot sa lupa at likas na yaman upang makamit ang katarungan.

“Arms cannot manufacture justice. As religious, we must proclaim that peace is the fruit of justice,” ayon kay Bishop Pabillo.

Iniuugnay rin ng obispo ang misyon ng mga relihiyoso sa pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa mga naaapektuhan ng mapanirang pagmimina, malawakang reclamation sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at iba pang proyektong nagbabanta sa kabuhayan ng mga pamayanan at sa mas malawak na pagkasira ng kapaligiran.

Kinilala din ni Bishop Pabillo ang papel ng ilang relihiyoso sa pagbibigay ng kanlungan sa mga whistleblower, mga nagbagong-loob, at pamilya ng mga biktima ng drug war.

Aniya, ang mga testimonya ng mga ito ay nakatulong sa pagbuo ng mga kasong iniharap sa International Criminal Court upang panagutin ang mga sangkot sa marahas na pagpapatupad ng giyera kontra ilegal na droga sa nakalipas na administrasyon.

Hamon ng obispo sa 233 religious superiors na dumalo sa pagtitipon na suriin ang kanilang sarili kung saan sila tinatawag na manatili, sino ang dapat nilang tulungang magkasundo, at aling bahagi ng nilikha ang nangangailangan ng kanilang tinig at paninindigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 35,844 total reads

 35,844 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 140,872 total reads

 140,872 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 226,982 total reads

 226,982 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 297,116 total reads

 297,116 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 329,182 total reads

 329,182 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top