Mga sangkot sa korapsyon, kailangang managot-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,164 total reads

Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP Commission on Interreligious Dialogue, na dapat managot ang lahat ng sangkot sa korapsyon dahil isa itong mabigat na kasalanan at pagtataksil sa sambayanan.

Sa kanyang talumpati sa isinagawang White Ribbon March nitong June 28 sa EDSA People Power Monument, binigyang-diin ng obispo na hindi dapat manahimik ang mamamayan habang patuloy na ninanakaw ang yaman ng bayan na dapat nakalaan para sa mga programa at proyektong mapakikinabangan ng mamamayan lalo na ng mahihirap.

“Hindi tayo maaaring manahimik habang ninanakaw ang pondong para sana sa mahihirap. Hindi tayo maaaring manahimik habang ang kaban ng bayan ay ginagawang personal na kayamanan ng iilan. Hindi tayo maaaring manahimik habang ang korapsyon ay patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating mga anak,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inilarawan ng obispo ang korapsyon sa bansa bilang usaping moral at panlipunan dahil ito ay mabigat na kasalanan nang pagnanakaw at pagtataksil sa taumbayan.

Paliwanag pa ni Bishop Bagaforo na ang bawat pisong ninanakaw sa kaban ng bayan ay direktang nagkakait ng pangunahing serbisyo sa mga nangangailangan.

“Kapag ninakaw ang pera ng bayan, ninanakaw mo ang gamot ng maysakit. Ninanakaw mo ang pagkain ng nagugutom. Ninanakaw mo ang edukasyon ng kabataan. Ninanakaw mo ang pag-asa ng sambayanan,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan ang obispo ng pantay na pagpapatupad ng batas at pananagutan sa lahat ng mapatutunayang nagkasala anuman ang katayuan sa lipunan o panig sa pulitika.

“Kung may nagkasala, dapat managot. Kung may nagnakaw sa bayan, dapat panagutin. Kung may kurakot, dapat ikulong. Walang exempted. Walang VIP. Walang makapangyarihan o mahirap. Walang kaalyado o kalaban. Ang batas ay dapat pairalin sa lahat. Sapagkat ang tunay na katarungan ay walang pinipili,” giit ni Bishop Bagaforo.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na samahan ng konkretong pagkilos ang kanilang panalangin para sa pagbabago ng lipunan.

“Hindi sapat ang magdasal lamang para sa pagbabago. Kailangan din nating tumindig para sa pagbabago. Hindi sapat ang humiling ng mabuting pamahalaan. Kailangan din nating igiit ang pananagutan,” ani ng obispo.

Binigyang-diin pa ni Bishop Bagaforo na ang layunin ng White Ribbon March ay hindi upang maghasik ng galit kundi upang gisingin ang kamalayan ng sambayanan laban sa katiwalian.

“Hindi tayo narito upang gisingin ang konsensya ng bayan. Sapagkat ang katahimikan sa harap ng korapsyon ay pakikiisa sa korapsyon,” saad ni Bishop Bagaforo.

Ang White Ribbon March ay dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang relihiyon, mga kinatawan ng civil society organizations, at mga mamamayang nagkaisa sa panawagan para sa katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala.

Nagsimula ang pagtitipon sa banal na misang pinangunahan ni Bishop Bagaforo sa National Shrine of Mary, Queen of Peace of EDSA Shrine na sinundan ng martsa patungong EDSA People Power Monument.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,083 total reads

 222,083 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,814 total reads

 253,814 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,638 total reads

 355,638 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,199 total reads

 396,199 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,977 total reads

 407,977 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top