Mga simbahan sa Archdiocese of Nueva Segovia, bukas na maging evacuation center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,833 total reads

Inihayag ng Archdiocese of Nueva Segovia na bukas ang mga Simbahan sa Arkidiyosesis upang magsilbi bilang pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang maaaring maapektuhan ng pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat sa Ilocos Sur.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Rev. Fr. Danilo Martinez, Social Action Commission Director ng Archdiocese of Nueva Segovia na pansamantalang inilikas ang ilang residente, partikular ang mga nakatira malapit sa mga ilog at baybayin, matapos tumaas sa red alert level ang Abra River na isa sa mga pangunahing ilog sa lalawigan.

Kabilang sa mga inilikas ang mga residenteng nasa paligid ng mga lugar na malapit sa salubungan ng ilog at dagat, kung saan mas mataas ang panganib ng pagbaha.

Karaniwang ginagamit bilang evacuation centers sa lugar ang mga paaralan, subalit sinabi ni Fr. Martinez na bukas din ang mga Simbahan sa arkidiyosesis para sa mga pamilyang mangangailangan ng ligtas na matutuluyan.

“Ang mga Simbahan po natin ay open din. Mayroong isang simbahan, lalo na ‘yung pinakamataas na Simbahan namin, ay nag-abiso na open po ‘yung simbahan para sa mga evacuees natin kung sakali man na lumaki pa ang baha, lalong-lalo na sa mga mababang lugar dito sa probinsya ng Ilocos Sur,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Martinez.

Samantala, inihayag naman ng Pari na unti-unti na ring bumababa ang lebel ng tubig sa mga pangunahing ilog sa lalawigan, kabilang ang Amburayan River at Abra River.

Bagamat nagpapatuloy ang pabugso-bugsong pag-ulan, ibinahagi ni Fr. Martinez na mabilis ding humuhupa ang tubig kapag tumitigil ang ulan dahil hindi pa saturated ang lupa bunsod ng kakulangan ng pag-ulan sa lugar nitong mga nakaraang buwan.

Ayon sa Pari, iba ang kasalukuyang sitwasyon kumpara sa mga nakaraang bagyo kung kailan mas matagal ang pagbaha sa mga low-lying areas dahil lubos nang nababasa at hindi na kayang sumipsip ng tubig ng lupa.

“Ngayon ‘pag umulan, parang sinisipsip pa rin ng lupa ‘yung tubig kaya mabilis na humupa ‘yung tubig. Unlike before na lalong-lalo na ‘yung mga nagdaang bagyo, binabaha talaga ‘yung mga low-lying areas kasi saturated na ‘yung lupa natin. Pero ngayon, dahil walang pag-ulan sa mga nakaraang buwan, kaya ngayon hindi gaano ‘yung baha. Mabilis na bumababa ‘yung tubig.” Paliwanag ni Fr. Martinez.

Tiniyak din ng Pari na nananatiling nakaantabay ang mga parokya sa posibilidad na muling tumaas ang tubig at mangailangan ng agarang paglikas ang mga residente.

Para sa Archdiocese of Nueva Segovia, ang pagbubukas ng mga Simbahan sa mga evacuee ay isa ring konkretong pagpapakita ng misyon ng Simbahan na maging malapit sa mga taong dumaranas ng kagipitan at isa ring pagpapamalas ng diwa ng pagiging isang pamayanang Kristiyano na walang iniiwan sa panahon ng sakuna, at nananatiling kasama ng mga tao na nakikinig, kumakalinga at handang magbukas ng pintuan para sa mga nangangailangan ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 20,413 total reads

 20,413 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,663 total reads

 43,663 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 80,164 total reads

 80,164 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,788 total reads

 300,788 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 334,279 total reads

 334,279 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top