Makipagtulungan sa mga otoridad sa tuwing may kalamidad, panawagan ng OCD sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,987 total reads

Hinimok ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residenteng nasa mabababang mga lugar at mga apektado ng dalawang nagdaang bagyo at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na lumikas kapag inabisuhan ng lokal na pamahalaan, upang maiwasan ang kapahamakan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni OCD Information Officer Diego Agustin Mariano na nasa 223,000 pamilya o 752,000 katao na ang direktang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat, habang mahigit 10,000 pamilya o higit 34,000 katao naman ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

“Kapag ang ating authorities ay nagtawag ng evacuation, sana po tayo ay sumunod at mag-evacuate. Para ito po ay sa inyong kaligtasan at maiwasan po natin ang dagdag na casualties,” Bahagi ng pahayag ni Mariano sa Radyo Veritas.

Binigyang diin din ni Mariano ang pagiging handa at pagkakaroon ng tamang impormasyon ng bawat isa na makatutulong upang manatiling kalmado at makagawa ng tamang hakbang sa oras ng sakuna.

“Once na alam natin ang dapat nating gawin, tayo ay kalmado at tayo ay magiging ligtas, at magiging ligtas din po ‘yung ating mga kasama sa buhay,” Dagdag pa ni Mariano.

Naitala rin ng OCD ang walong nasawi, siyam na sugatan at isang nawawala dahil sa epekto ng sama ng panahon.

Umabot naman sa tinatayang ₱1.12 bilyon ang pinsala sa imprastruktura, habang nasa ₱3.53 milyon naman ang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Samantala, inihayag rin ni Mariano na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee, partikular na ang pagkain, medical assistance at iba pang basic needs kung saan batay sa tala ng OCD umaabot na sa ₱33.94 milyon na halaga ng assistance ang naipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng kasalukuyang sama ng panahon.

Binigyang-diin din ng OCD ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga power provider, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.

Ayon kay Mariano, kailangang agad na nakikipag-ugnayan ang mga electricity provider sa mga kinauukulang LGU upang matukoy kung ligtas pang panatilihing bukas ang suplay ng kuryente o kinakailangan na itong patayin kapag tumataas ang tubig-baha.

Samantala, patuloy ding naaantala ang biyahe sa ilang pantalan dahil sa masamang panahon kung saan nasa 383 pasahero, 44 rolling cargoes at limang sasakyang-pandagat ang stranded, habang 18 pantalan ang kasalukuyang sarado.

Sa kabila ng mga panganib, sinabi ng OCD na mahalaga ring maging mapagmatyag at maalam ang publiko sa mga hazard na maaaring makaapekto sa kanilang lugar.

“Tayo po’y maging maalam sa paligid natin. Alamin natin kung ano po ‘yung nangyayari sa paligid natin, at alamin natin ano ‘yung mga hazard na meron po sa ating kapaligiran,” Ani Mariano.
Sa panahon ng kalamidad, muling ipinapaalala ng Simbahan na ang pagsunod sa abiso ng mga awtoridad na lumikas bago lumala ang sitwasyon ay hindi lamang usapin ng pagsunod sa kautusan, kundi isang konkretong paraan ng pagpapahalaga sa buhay lalo na sa mga bata, matatanda, may sakit at iba pang higit na nangangailangan ng proteksiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,397 total reads

 78,397 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,079 total reads

 173,079 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,347 total reads

 217,347 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,456 total reads

 240,456 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,062 total reads

 312,062 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top