Mga kabataan, inaanyayahang pagnilayan ang bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,953 total reads

Itatampok ang panawagan sa mga kabataan na pagnilayan ang bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso sa pamamagitan ng Vocation Jamboree at Holy Hour for Vocations bilang bahagi ng pagbubukas ng ika-4 na Tour ng Pilgrim Image ni St. Tarcisius of Rome sa August 21 sa Good Shepherd Cathedral ng Diocese of Novaliches sa Quezon City.

Sa Vocation Jamboree mula alas-1:30 hanggang alas-2:20 ng hapon, magkakaroon ng mga booth ang mga vocation director mula sa Diocese of Novaliches at iba’t ibang religious communities upang ipakilala ang mga bokasyon sa Simbahan, magbahagi ng impormasyon at hikayatin ang mga kalahok na bukas na pagnilayan ang posibilidad ng pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Susundan ito ng Holy Hour for Vocations mula alas-2:20 hanggang alas-3:10 ng hapon, kung saan ilalaan ang panahon para sa tahimik na pananalangin, pagninilay, pagbabasa ng Banal na Kasulatan at paghingi sa Panginoon ng dagdag na mga bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso.

Pangungunahan ni Fr. Joshua Paul Sadernas, Vocation Director ng diyosesis, ang Holy Hour na magsisilbing espirituwal na paghahanda bago ang pormal na pagsisimula ng pilgrimage.

Magkakaroon din ng liturgical formation para sa mga altar server ng diyosesis, habang pangungunahan ni Dr. Dave dela Cruz, O.P., ang talakayan tungkol sa buhay ni St. Tarcisius at sa mga banal na relikya.

Si St. Tarcisius ay kinikilalang patron ng mga altar server at naging huwaran ng katapatan sa Eukaristiya at matapang na paglilingkod sa kabila ng panganib.

Ganap namang idedeklara ang pagsisimula ng ika-4 na Tour sa Rite of Enthronement and Prayer to St. Tarcisius of Rome dakong alas-3:30 ng hapon, na pangungunahan ni Fr. Leoncito Falcasantos, Jr., Priest-in-Charge ng Diocesan Ministry of Altar Servers.

Susundan ito ng solemn procession sa paligid ng Novaliches Cathedral bago ang Solemn Welcome Mass, sa alas-6 ng gabi, na pangungunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, kasama ang mga pari mula sa iba’t ibang parokya at mga religious congregation.

Inaasahang bibisitahin ng pilgrim relic ni St. Tarcisius ang 74 na parokya ngayong taon, bilang bahagi ng pagpapalalim ng debosyon sa banal na Eukaristiya at paghikayat sa mga kabataan na tuklasin ang kanilang bokasyon sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,718 total reads

 76,718 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,537 total reads

 171,537 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,805 total reads

 215,805 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,914 total reads

 238,914 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,599 total reads

 310,599 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top