Mga simbahan sa Los Angeles, binuksan sa mga biktima ng wildfire

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,999 total reads

Tiniyak ng mga Pilipinong pari sa Los Angeles California ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng wildfire sa lugar.

Ayon kay Fr. Rodel Balagtas, Parish Priest ng Incarnation Church sa Glendale at Head ng Filipino Ministry, ng Archdiocese of Los Angeles, bagamat naghahanda ito sa posibleng paglikas ay nanatiling bukas ang kanilang parokya para sa mga nangangailangan ng kanlungan sa gitna ng trahedya.

Sinabi ng pari na nakatanggap ito ng evacuation warnings lalo’t hindi pa tuluyang naapula ang sunog sa kalapit na lugar.

“We have some precautionary measures para ready for any evacuations pero kung wala, our parish church is open sa mga taong nag-evacuate from nearby areas; they can use our facility, our church and our school auditorium for any families who want to stay out of the fire,” pahayag ni Fr. Balagtas sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Fr. Balagtas ang Corpus Christi Church sa Pacific Palisades na kabilang sa nasunog ngunit tiniyak na maraming simbahan sa Los Angeles ang nagbukas para sa mga displaced indibiduals para kanilang kaligtasan.

Ayon naman kay Healing Touch Anchor priest, Fr. Michael Montoya, Parish Priest ng Our Lady of the Assumption Parish sa Claremont, California agad na kumilos ang mga parokya ng arkidiyosesis upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at binuksan upang maging pansamantalang kanlungan sa mga nawalan ng tahanan.

Patuloy na umapela ng panalangin ang pari para sa kinakaharap ng Los Angeles gayundin ang panawagan ng pagtulong subalit binalaan ang publiko na maging maingat laban sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pagkakataon para sa scam activities.

“Lahat ng mga parokya ngayon ay nagmo-mobilize ng kanilang mga parishioners to be able to help in many different ways; sa mga Kapanalig na nais tumulong pumunta lang sa website ng Archdicoese of Los Angeles, may section doon na magsasabing paano makatulong in cash or in any ways and they have also identified areas kung saan pwedeng magpadala ng tulong,” pahayag ni Fr. Montoya.

Apela din nito sa mga Pilipino na tigilan ang pagbabahagi ng mga larawang nagsasabing ‘God less’ ang lugar kaya’t tila parusa ng Diyos ang nangyaring sunog sapagkat buhay ang pananampalataya sa Los Angeles at aktibo ang mamamayan sa mga gawaing simbahan lalo na ang paglingap sa kapwa.

Sa kasalukuyang datos 24 na ang nasawi sa wildfire na ayon kay California Governor Gavin Newsom maaaring ito na ang pinakamapinsalang trahedyang nangyari sa Amerika sa kasaysayan na puminsala ng libu-libong mga bahay at ari-arian at sapilitang nagpalikas sa mahigit 100, 000 katao.

Una nang nakiisa at nakidalamhati si Pope Francis sa mga apektado ng wildfire kasabay ng mga panalanging katatagan ng loob upang malampasan ang trahedya sa tulong at paggabay ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,415 total reads

 67,415 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,734 total reads

 99,734 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,560 total reads

 201,560 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,118 total reads

 242,118 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,833 total reads

 259,833 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top