Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MGA “TANDA” AT “TINIG NG HINAHON”

SHARE THE TRUTH

 2,272 total views

Homiliya Para sa Pandaigdigang Araw ng mga Lolo’t Lola, Misang Bihilya para ika-16 na Linggo ng KP, 22 Hulyo 2023, Mt 13:24-30

Ang Misang ito ay ang pakikiisa ng Diocese of Kalookan sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga lolo at lola. Ito kasi ang Linggo na pinakamalapit sa Araw ng kapistahan nina San Joaquin at Sta Ana, mga lolo at lola ni Hesus. Salamat kay Papa Francisco, meron na tayong araw na pantapat sa mother’s day at father’s day: ang grandparents’ day.

Sa ating binasang talinghaga sa ebanghelyo, may dalawang tinig tayong narinig: tinig na mapusok at tinig na mahinahon.

Mas tipikal sa mga kabataan ang tinig ba mapusok; sa talinghaga, sila ang mga tauhan ng may-ari ng bukid. Ang alok nilang solusyon para daw mailigtas ang mga trigo at bunutin o puksain ang masamang damo. Hindi ba parang ganito ang dating ng magkapatid na sina Santiago at Juan, nang minsang ayaw silang padaanin ng mga Samaritano sa kanilang bayan dahil patungo sila sa Jerusalem. Sabi nila kay Hesus, “Panginoon, paulanin kaya natin ng apoy ang masusungit na iyan para pugnawin na sila sa balat ng lupa!” Wow, ang init ng ulo. Ang sagot ni Hesus ay, “Maghunosdili kayo. Humanap na lang tayo ng ibang daan.”

Ang ikalawang boses sa talinghaga ang may-ari ng bukid: “huwag magpadalos-dalos, aniya, baka sa hindi ninyo sinasadya pati mga trigo ay masaktan ninyo o mabunot.” Lalo na’t ang masamang damo pala ay hawig na hawig sa trigo.

Sabi ng mahinahon na tinig na amo sa talinghaga, “Ang kaaway ang may kagagawan nito.” Ang kaaway ay si Satanas; siya lang naman ang itinuro sa atin na itakwil, di ba? Sabi ni San Pablo, “Hindi laman at dugo ang kaaway naton sa mundo. Walang binhi ng masamang damo na galing sa Diyos. Ibig sabihin, walang likas na masamang tao dito sa mundo, kahit lahat ng tao may kakayahang makagawa ng masama. Ang mabuting binhi at masamang damo sa kwento ay hindi tungkol sa labanan ng mabuti at masamang tao. Ang tinutukoy niyang labanan ay labanan ng kabutihan at kasamaan sa ating lahat, sa lahat ng tao at sitwasyon. Laging may tunggalian sa pagitan ng Diyos na nagtatayo ng kanyang kaharian at kay Satanas na sumasabotahe sa plano ng Diyos.

Lahat tayo ay pwedeng saniban at paglaruan ng diyablo. Kaya dapat lang na tayo’y maging mahabagin kahit sa mga nakakasakit sa atin. Laging isaisip— “baka may pinagdadaanan, baka wala sa sarili, baka napo-possess…”.

Ang tinig ng hinahon ay mas tipikal sa mga nakatatanda—

huwag magpadala sa silakbo ng damdamin, baka lalong lumala ang perwisyo. Totoo namang nasaktan tayong lahat sa ginawang paglalapastangan sa ating panalangin at sa Poong Nazareno, di ba? Pero kapag nagpadala tayo sa reaksyon ng galit, minsan lumilihis na rin tayo.

May mga tao na ibig talagang magpapansin, minsan kusa siyang mananakit o mang-iinsulto para lang tumawag pansin. “Narcissism” ang tawag doon ng mga psychologists. At kung kailan daw sila pinapansin, mas lalo silang naliligayahan. Ang tinig na mas madalas nating marinig sa mga nakatatanda na mas marami nang pinagdaanan sa buhay ay huwag magpadala sa provocation o pang-uudyok. Huminahon, harapin ang nang-uudyok, at taos-pusong itanong, “Okay ka lang ba?” “Are you crying for help?” “May pinagdadaanan ka ba? May maitutulong ba ako sa ito?” Minsan sa hinahon mas napipigilan ang tindi ng pang-uudyok o provocation. Kailangan talaga natin ang hinahon ng matatanda.

Ewan kung bakit ang salitang elderly— na sa Tagalog ay “nakatatanda”—ay madalas iugnay sa pagiging malilimutin o ulyanin. Hindi ba sa Tagalog ang pagtanda ay kabaligtaran ng paglimot? Opposite ng malilimutin ang matandain. Kaya kung tutuusin maganda ang konsepto natin para sa mga may-edad: sila ang mga deposito ng alaala na kulang na kulang sa mga batang wala pang gaanong karanasan. Ang mga bata at kabataan ang mas madaling makalimot, dahil nga kulang pa sila sa karanasan. Kung nakakalimot ang matatanda, ito’y dahil masyado na silang maraming pinagdaanan, at alam nilang hindi naman lahat ay dapat tandaan. Ang iba’y dapat na talagang limutin. Selective memory ang tawag sa ganyan.

Hindi lang “matanda” ang tawag natin sa nagkakaedad at lalong hindi ito tungkol sa pagiging amoy-lupa. Sila mismo tinatawag natin silang mga “tanda”, ibig sabihin, mga “palatandaan” o mga gabay sa ating lipunan para di tayo makalimot sa ating pinanggalingan at hindi rin tayo maligaw sa ating pinupuntahan. Kaya napakaganda kapag lumaki ang mga apo na malapit sa mga lolo’t lola nila—mahalagang marinig nila ang mga kuwento ng kanilang mga pinagdaanan, mga aral na kanilang natutuhan. Noong bata ako, narinig ko ang mga kuwento ng mga nakatatanda tungkol sa giyera, kaya may halong kaba sa dibdib ko kapag ganitong naririnig ko ang namumuong tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, at ang pagpupuwesto ng America, Japan at Australia dito sa atin para balaan ang China. Tiyak na tayong maliliit na bansa, hindi mga Amerikano o Tsino ang unang mapeperwisyo ng giyera pag nagkataon.

Mahalagang okasyon din ang World Day for the Elderly na ito para isaisip ang nagbabagong kalagayan ng mga nakatatanda sa Pilipinas. Bukod sa mga senior citizens na kabilang sa 8.5 percent sa ating kabuuang populasyon, marami sa mga first generation ng mga Pilipinong nag-migrate sa ibang bansa ay bumabalik sa ating bansa at dito na nagri-retire sa Pilipinas. Ang pagkakaiba nila sa mga senior citizens na hindi nagmigrate ay, hindi nila kasama ang mga anak at apo nila. Karamihan ay nabubuhay na walang kasama kundi caregivers sa kanilang pagtanda. Ganyan din ang kalagayan ng mga senior citizens na may mga anak na nagsipag-abroad. Hindi nila kasama sa pagtanda ang mga anak at apo nila na sa abroad naman nanirahan.

Lumalaki na rin daw ngayon, lalo na sa mga kalunsuran ang populasyon ng mga senior citizens na nabubuhay na mag-isa o walang kaanak na kasama; marami sa kanila ang nangangailangan na ng home care facilities na di pa gaanong uso sa Pilipinas.

Sa Singapore ako unang na-expose sa malungkot na sitwasyon ng mga nakatatanda na nabuhuhay na walang kasama sa mga condo at apartment. Naranasan kong sumama sa isang grupo ng parishioners na naghahanda ng lunch packs araw-araw. Ang apostolate ng volunteers ay hindi lang dalhan ng tanghalian ang mga matatanda kundi saluhan sila sa tanghalian.

Sa ating mga pamilyang pilipino, napakalaki pa rin ng papel ng nga senior citizens sa kanilang mga pamilya. Imbes na dalhin sa day care ang mga bata, madalas mga lolo’t lola ang naiiwan upang magbantay sa mga apo habang nagtatrabaho ang mga anak nila. APOstolate daw ang tawag sa ganito ngayon. At kapag hindi stable ang kabuhayan ng mga anak, madalas nagagamit ng mga seniors ang retirement money nila para sa pangangailangan ng mga apo. Kaya marami sa kanila ang kapos ang panggastos sa pangangailangan sa katandaan tulad ng sakit. At dahil mas mahaba na ang life expectancy ngayon, sa takbo ng panahon dahil sa tumataas na presyo ng bilihin, ang kakarampot na retirement benefits ng mga matatanda, madalas hindi na rin kumakasya sa mga pangangailangan nila.

Sabi ng isang kantang mula sa tinig ng isang lolo na nagbibigay-payo sa mga bata, “Bukas mamanahin mo, buti nami’t sama, bukas malalaman mo, ikaw nga ay pag-asa. Kung saan kami nadapa, doon bumangon ka. At kung ano ang aming tama, bukas patibayin pa.” Maligayang araw ng mga lolo’t lola, sa ating lahat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 1,963 total views

 1,963 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 15,103 total views

 15,103 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 21,076 total views

 21,076 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 26,831 total views

 26,831 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 34,094 total views

 34,094 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 808 total views

 808 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 810 total views

 810 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,564 total views

 3,564 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,979 total views

 7,979 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,305 total views

 3,305 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,828 total views

 3,828 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,327 total views

 5,327 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,171 total views

 6,171 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,426 total views

 4,426 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,639 total views

 8,639 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,871 total views

 7,871 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,081 total views

 12,081 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,529 total views

 5,529 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,533 total views

 5,533 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,533 total views

 5,533 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top