Mga taong may pananalig sa Diyos, hindi naninira at nananakit ng kapwa- Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,059 total reads

Ipinaalala ng opisyal ng Vatican sa mananampalataya na ang mga taong may pananalig sa Diyos ay hindi kailanman maninira at mananakit ng kapwa.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization, sa banal na misa para sa pagtatapos ng kauna-unahang Marian International Festival sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Nakapaloob sa Misa ang Marian Conference kung saan ipinaliwanag ni Cardinal Tagle ang temang “Our Blessed Virgin Mary, our Mother and Model in our Pilgrimage of Hope”.

Ayon sa kardinal, ang pagkakaroon ng maka-Kristiyanong pag-asa ay nagmula sa Diyos, sa pamamagitan ng Espiritu-Santo, upang ang bawat isa’y makamtan ang kaligayahan sa kabila ng mga nararanasang pagsubok.

Ngunit may ilang naaakit sa maling pag-asa na pinipiling gumawa ng karahasan at manakit ng kapwa para lamang sa pansariling kapakanan.

“‘Pag hindi mo nakuha ‘yung nagbibigay ng kaligayahan sa iyo at hindi ka nakakapit sa paghahari ng Diyos, you will be frustrated rather than hopeful,” ayon kay Cardinal Tagle.

Nagsimula ang tatlong-araw na pagtitipon noong January 9 kung saan isinagawa ang pagkakaloob ng Sakramento ng Kumpisal upang mabigyang pagkakataon ang mga mananampalataya na panibaguhin ang sarili at humingi ng tawad sa Panginoon.

Habang noong January 10, pinagtuunan ng dambana ang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng feeding program, pamamahagi ng school supplies, at serbisyong pangkalusugan para sa mga mananampalataya, lalo na sa mahihirap.

Nagtapos ang festival nitong January 11 sa pamamagitan ng Banal na pagdiriwang na pinangunahan ni Cardinal Tagle katuwang si Antipolo Bishop Ruperto Santos, at mga pari ng Diyosesis ng Antipolo.

Hamon naman ni Cardinal Tagle sa lahat na pakinggan ang Mahal na Birheng Maria, na huwaran ng tunay na pag-asa, upang makamit ang tunay na kaligayahan patungo sa paglalakbay sa landas ni Kristo.

“So, Our Lady is telling us—you want peace, you want a good voyage in life, learn how to hope, real hope. Hindi ‘yung mga huwad na pag-asa na binibigay ng mundo. Kundi ang pag-asa na tanging sa Diyos natin makakamit,” giit ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 9,382 total reads

 9,382 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 57,254 total reads

 57,254 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 161,202 total reads

 161,202 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 247,313 total reads

 247,313 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 317,043 total reads

 317,043 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 163,196 total reads

 163,196 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top