Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga tsuper ng jeep, hinimok na bumuo ng kooperatiba.

SHARE THE TRUTH

 2,497 total views

Nakikiisa ang Caritas Manila sa jeepney drivers at operators na magsasagawa ng ‘weeklong-transport strike’.

Ito ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas-ay upang ipanawagan na bigyan pa ng sapat na panahon o tulungan ng pamahalaan ang mga jeepney driver na magkaroon ng modern jeepney units.

Hinimok din ng Pari ang mga mamamayan higit na ang mga mananampalataya na makiisa, habaan ang pasenya at ipananalangin ang sektor ng transportasyon na makamit ang pagkakasundo.

“Alam po natin ang mga driver ng jeep ang isa mga mahihirap sa ating bayan, lalu na ngayon panahon ng pandemic nakita po natin na namamalimos ang mga driver sa kalye, kaya’t ito pong modernization program ng gobyerno ay kailangang ma-plano ng maayos sapagkat milyon ang aabutin niyan at hindi kaya ng mga drivers yan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual

Muling ring iminungkahi ni Fr. Pascual ang pagsali o pagtataguyod ng mga drivers at operators’ ng kooperatiba upang makatulong na makabili ng makabagong sasakyang pampubliko.

“Ito’y isang napakagandang programa, ang kooperatiba upang mapalakas ang tinatawag po nating church of the poor, yun pong simbahang makadukha kaya’t imbes na manghingi, tayo po’y ilikha ng yaman sa pamayanan at mananatili ang yaman na ito para matugunan ang mga pinansyal na pangangailangan ng mga mahihirap,” ayon pa kay Fr.Pascual.

Batay sa datos ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), may 100-libong mga jeepney units ang nakiisa sa sa transport strike sa National Capital Region at iba’t ibang lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 19,078 total views

 19,078 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 49,159 total views

 49,159 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 63,219 total views

 63,219 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,651 total views

 81,651 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 15,505 total views

 15,505 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567