Mga tugon sa paggunita ng Martial Law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 966 total reads

Mga Kapanalig, noong isang linggo ginunita natin ang ika-50 taong anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law o Batas Militar sa bansa. Sa gitna ng mga kaganapan noong nakaraang linggo, tatlong pangungahing tugon ang kapansin-pansin.

Una, nariyan ang panawagang itigil na ang pagpapanagot sa pamilyang Marcos at mag-move on na. Ano raw ang dapat nilang ihingi ng tawad, tanong ni Senador Jinggoy Estrada. Para sa kanya, ang pinakamaraming boto sa pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas na nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay patunay na naniniwala ang mga Pilipinong walang sala at walang dapat ihingi ng tawad ang pamilya ng pangulo. Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Senadora Imee Marcos na idineklara ng kanyang ama ang Martial Law dahil kailangang pigilan at labanan ng pamahalaan ang mga naghahasik ng gulo at ang mga dayuhang sumusupil dito. Para sa senadora, kinailangan ang Martial Law noon, at dapat nang patawarin ang mga lumaban sa pamahalaan.

Ikalawa, patuloy pa rin ang paninindigan ng ilang huwad ang pagpapatawad kung walang pag-ako sa mga mali at kung walang pagpapanagot sa mga maysala. Para kay Senador Koko Pimentel, kailangang matututo mula sa mga mali ng kasaysayan. Sang-ayon dito si Senadora Risa Hontiveros na nanawagan naman sa taumbayang panatilihing buhay ang katotohanan. Hindi raw dapat kinukunsinti ang selective amnesia o paglimot sa mga piling bahagi ng kasaysayan. Iba’t ibang gawain din katulad ng mga demonstrasyon, webinars, kantahan, at pagpapalabas ng mga pelikula ang ginawa ng mga akademiko, miyembro ng Simbahan, grupo ng mga artista, at non-government organizations upang muling ikuwento ang karanasan at katotohanan noong Martial Law.

Ang huling uri ng tugon ay mula sa mga piniling magwalang-kibo. Halimbawa nito ang nakabibinging katahimikan mula mismo sa pangulo. Walang pahayag ang kanyang opisina o komento man lang mula sa kanyang tagapagsalita. Matatandaang sa mga nagdaang administrasyon, kahit pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na minsang nakisimpatya sa pamilyang Marcos, palaging ginugunita ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Sa katunayan, noong 2017, itinalaga pa ni dating Pangulong Duterte ang ika-21 ng Setyembre na National Day of Protest bilang pakikiisa sa panawagan ng taumbayan na panagutan ang mga kalabisan at punan ang mga pagkukulang ng pamahalaan, gayudin sa paghahangad nila sa pamamahalang may integridad, mahusay, at handang managot sa publiko.

Naniniwala ang Simbahang Katolika sa mahalagang papel ng moral na aspeto sa pamamahala.[5] Pundasyon ang mga moral na prinsipyo sa pagkakaroon ng isang mahusay at maka-Diyos na pamamahala. Ang katotohanan, paggalang sa dignidad at buhay ng tao, at katarungan ay ilan lamang sa mga pangunahing moral na batayang dapat inaasahan natin sa mga namumuno ng ating bayan. Ang kapangyarihang hawak ng mga nasa pamahalaaan ay mula sa taumbayan. Samakatuwid, ang kapangyarihan mayroon sila ay dapat gamitin sa paglilingkod sa tao. Katulad ng sinasabi sa Mateo 20:26: “Kung sinuman sa inyo ang naghahangad na maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.”

Sa gitna na magkakatunggaling pananaw sa kasaysayan at iba‘t ibang tugon sa naging paggunita sa anibersaryo ng Martial Law, isang hamon para sa ating mga mananapalatayang isulong ang mga moral na prinsipyong kailangan sa pamamahala. Huwag tayong mapagod na magtanong: Ano ang katotohanan? Paano maitataguyod ang buhay at dignidad ng tao sa pamamahala? Napapanagot ba ang mga yumuyurak dito? Tumutungo ba tayo sa isang makatarungang lipunan?

Mga Kapanalig, ang halaga ng paggunita ay hindi lamang tungkol sa nakaraan. Tungkol din ito sa ating kasalukuyan. Anuman ang naging tugon natin sa nagdaang pag-alala sa Martial Law, nawa’y naayon ito sa pamamahalang hangad natin para sa ating bayan, isang pamamahalang batid ang tama at mali, isang pamamalang tunay na naglilingkod.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,156 total reads

 86,156 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,066 total reads

 120,066 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,365 total reads

 155,365 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,635 total reads

 381,635 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,489 total reads

 270,489 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 86,158 total reads

 86,158 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,068 total reads

 120,068 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,367 total reads

 155,367 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,637 total reads

 381,637 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top