Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa, kinundena ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

 348 total views

Kinundina ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang nagaganap na militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM – Co-Executive Secretary ng AMRSP, maituturing na paglapastangan sa karapatang pangtao at kalayaan ang ginagawang militarisasyon sa mga unibersidad sa Pilipinas.

Inihayag ng Pari na bahagi ng mga karapatan at kalayaan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa ang kalayaan sa pagkilos at pagpapahayag ng saloobin.

“Ito ay tuwirang paglapastangan sa karapatang pangtao lalong lalo na sa malayang pagkilos at paghahayag ng saloobin bilang isang mamamayan na kabilang sa isang bansang demokratiko.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez na siya ring bagong talagang Vice-Director ng Order of the Friars Minor (OFM) Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Roma na tulad ng mga relihiyoso at mga lingkod ng Simbahan ay may karapatan ang bawat unibersidad na pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.

Iginiit ng Pari na mahalagang mapanatili ng mga unibersidad ang karapatang mapangalagaan ang kalayaang akademiko ng mga mag-aaral upang matiyak na maging ligtas na lugar para sa malayang pagtatanong, pagsisiyasat at pagpapahayag ng saloobin.

“Katulad ng mga relihiyosong pinagbibintangan at pinaghihinalaan, ang mga estudyante at komunidad ng unibersidad ay may karapatang pangalagaan ang kanilang kalayaang akademiko dahil dito natin matitiyak na sila ay magkakaroon ng ligtas na lugar upang magtanong, magsiyasat at ipahayag ang kanilang mga saloobin at hinaing para sa bayan.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Kasunod ng naging unilateral termination sa kasunduan ng University of the Philippines at Department of National Defense ukol sa pagpasok ng militar at pulis sa mga campus ng UP ay ilang armadong sundalo na sakay ng military trucks ang namataan na pumasok sa UP Diliman ng walang koordinasyon sa pamunuan ng unibersidad.

Itinanggi naman ni Major Frank Sayson Commander ng 7th Civil Relations Group CRS-AFP ang sinasabing militarisasyon sa unibersidad.

Inihayag ni Sayson na bilang namumuno sa urban gardening projects, ang pagpasok ng mga sundalo ay naglalayon lamang na mabisita ang mga urban gardening projects sa anim na lugar sa loob at paligid ng UP Campus na nagsimula noong Marso.
Bukod sa bahagi ng Barangay UP Campus, pinasok din ng mga sundalo ang UP Arboretum, tree planting area at UP botanical garden.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 38,965 total views

 38,965 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 46,446 total views

 46,446 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 59,586 total views

 59,586 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 65,559 total views

 65,559 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 71,311 total views

 71,311 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Great Jubilee Year 2025, paghahandaan ng SLP

 40 total views

 40 total views Inihayag na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang tema ng nakatakdang National Laity Week na gugunitain sa huling linggo ng Setyembre, 2024. Sa pamamagitan ng isang liham paanyaya ay nanawagan ang pamunuan ng implementing arm ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa bawat layko na makibahagi

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS 2024, inilaan sa mga kabataan

 93 total views

 93 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa mga kabataan ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Agosto 2024. Sa sirkular ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa mga kabataang Manileño bilang paghahanda sa nakatakdang Archdiocesan Youth Month sa Setyembre.

Read More »
CBCP
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nanawagan ng pananalangin ng “Oratio Imperata for Peace”

 1,852 total views

 1,852 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Oratio Imperata para sa Kapayapaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). Sa naganap na 128th CBCP Plenary Assembly noong ika-6 hanggang ika-8 ng Hulyo, 2024 ay inaprubahan ng kalipunan ng mga Obispo ng bansa ang pananalangin ng Oratio Imperata for Peace mula ngayong ika-25 ng Hulyo,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

 6,236 total views

 6,236 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 8,328 total views

 8,328 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 12,946 total views

 12,946 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 12,684 total views

 12,684 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 10,716 total views

 10,716 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 16,709 total views

 16,709 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 17,541 total views

 17,541 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 17,763 total views

 17,763 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 30,060 total views

 30,060 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 15,118 total views

 15,118 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 16,527 total views

 16,527 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 22,910 total views

 22,910 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top