Military Bishop, may gentle reminder sa mga driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,148 total reads

Umapela si Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga driver na maging maingat sa pagmamaneho ng anumang uri ng sasakyan upang maiwasan ang mga sakuna.

Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng Road Safety Month ngayong Mayo kung saan sunod-sunod din ang mga naitalang vehicular accident na kumitil ng buhay ng maraming indibidwal.

Tinuran ni Bishop Florencio ang summer season kung saan dagsa ang mga tao sa lansangan at iba pang pampublikong lugar kaya’t dapat na maging mapagmatyag sa daan lalo na ang mga driver.

“Gentle reminder lang for our drivers, always take some extra care now that summer is here let’s be more cautious in our driving skills. Prevention is better. Many people are on vacation going to airports, seaports and terminals or even on roads. We don’t want that our excitement for vacation lead us to some horrible scenarios,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Bukod sa pag-iingat binigyang diin ng obispo ang pananalangin habang nasa daan upang iadya sa mga masasama at anumang uri ng kapahamakan.

“Most of all don’t forget to pray and asking our guardian angels to spare us from these evils,” dagdag ni Bishop Florencio.

Noong May 1 nangyari ang malagim na multi-vehicle collision sa NLEX toll booth sa Tarlac na ikinasawi ng 10 katao kabilang na ang apat na mga bata habang nasugatan naman ang 37 iba pang katao.

Nitong May 4, dalawang katao naman ang nasawi kabilang ang isang limang taong gulang na bata at apat ang napinsala nang mawalan ng kontrol ang driver ng sports utility vehicle (SUV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Paranaque City.

Sa datos ng Department of Health ikinabahala nitong nasa 12, 000 Filipino ang nasasawi kada taon dahil sa road crash kung saan ayon sa Philippine Statistics Authority ito ang ika – 12 dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas.

Tema ng Road Safety Month campaign ngayong taon na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang “Drive to Protect: Safe Streets, Safe Children” na tugma naman sa inisyatibong “Stop Road Crash” ng LTO.

Ang kampanya ay nakabatay sa Philippine Road Safety Action Plan 2023–2028 na inilunsad ng DOTR katuwang ang World Health Organization (WHO) na layong mabawasan ng 35 porsyento ang road traffic death na ayon sa WHO nasa 1.3 milyong katao ang nasasawi sa mundo kada taon dahil sa road crash.

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 321 total reads

 321 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 427 total reads

 427 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 10,118 total reads

 10,118 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 60,147 total reads

 60,147 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 82,237 total reads

 82,237 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 182,057 total reads

 182,057 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 214,851 total reads

 214,851 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top