Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MiM film, ‘a fake narrative’-election coalition

SHARE THE TRUTH

 442 total views

kinondena ng election Coalition ang fake news at tangkang historical revisionism sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa Halalang Marangal Coalition 2022 pinangangasiwaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace nakababahala ang mga maling impormasyon na maaring makasira sa kultura ng mga Pilipino.

Paliwanag ng Obispo, ito ay hindi lamang isang banta sa katotohanan at kasaysayan ng bansa kundi maging sa demokrasya at paraan ng pamumuhay ng mamamayan kung saan may ilan ang nakikinabang sa pagpapalaganap ng kasinungalingan.

“The era of fake news and historical revisionism has unabatedly flooded the Filipino culture. It is perpetrated and promoted by those who benefit and profit from falsifying history. Such fake narratives spare no one and is a threat to discovering the truth and thus is ultimately a threat to our democratic way of life.” Ang bahagi ng pahayag ng Halalang Marangal 2022 Coalition.

Tinukoy ng koalisyon ang pelikulang Maid in Malacañang na ginamit bilang paraan ng maling impormasyon at pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

Pinuna din ng koalisyon ang kawalan ng pagpapahalaga sa katotohanan ng mga bumuo sa pelikula na hindi sinaliksik at pinag-aralan ang mahahalagang detalye sa tunay na naganap sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Ayon pa sa pahayag maituturing na pagkakalat lamang ng tsismis ang layunin ng pelikula na mas higit pang nabigyang pansin kumpara sa mga mahahalagang usapin na kinahaharap ng bansa.

Mas dapat na pagtuunan ng pansin ang mga pambansang usapin tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, malnutrisyon, krisis sa sistemang pang-edukasyon, katiwalian , at maging ang matagal ng hinahangad na kapayapaan sa bansa na makapagdudulot ng tunay na kapanatagan at kasaganahan sa buhay ng mga 110-milyong mamamayang Pilipino, ayon pa sa pahayag.

“The movie, MIM is an example of a fake narrative. Done in poor taste, it lacks serious and diligent research in portrayong characters in the movie. It therefore falls short of conveying the truth. It is gossip mongering disguised as a movie.”

Giit ng kuwalisyon maituturing na pagkakalat lamang ng tsismis o maling impormasyon ang layunin ng nasabing pelikula na mas higit pang nabibigyang pansin kumpara sa mga mahahalagang usapin na kinahaharap ng bansa.

Kinondena rin ng samahan ang malisyoso at walang katotohanang pagsasalarawan sa mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong sa isang eksena ng pelikula.

“This false portrayal has been debunked by the Carmelites themselves and we associate ourselves with such a statement which deserves widest circulation.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 15,045 total views

 15,045 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 65,579 total views

 65,579 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 95,538 total views

 95,538 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 109,417 total views

 109,417 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 20,008 total views

 20,008 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 20,009 total views

 20,009 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567