Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Minahan na kumalbo sa kabundukan ng Palawan, papanagutin ng DENR

SHARE THE TRUTH

 376 total views

Papanagutin ng Department of Environment and Natural Resources o D-E-N-R ang kumpanyang pumutol ng mga puno sa kagubatan ng Brooke’s point sa Palawan.

Nagsampa na ng criminal complaint ang D-E-N-R laban sa Ipilan Nickel Corporation.

Sa inihaing reklamo ni Brooke’s Point Community Environment and Natural Resources Officer Conrado Corpuz, nasa 677 mga puno ang pinutol ng I-N-C na umabot sa 24 na hektarya kabilang ang 1.7 hektaryang hindi na sakop ng kanilang tree cutting permit.

“Granting without admitting that INC’s tree cutting permit was valid, the DENR has a strong case against the company on the 1.7-hectare cleared area,” giit ni DENR Mimaropa Regional Director Natividad Bernardino.

Tiniyak naman ni Atty. Gertrudes Mayo – Anda – Executive Director of Environmental Legal Assistance Council na kanilang paninindigan ang mandato ng D-E-N-R laban sa illegal na pamumutol ng mga punongkahoy.

“That is the advocacy that they are suppose to sue Ipilan Nickel Mining Corporation for illegal logging and other Forestry Law violation yun dapat yung gagawin nila,”pahayag ni Anda sa Radyo Veritas.

Nilinaw naman ng D-E-N-R na ang tree cutting permit na ibinigay sa Ipilan Nickel noong May 2016 ay binawi rin ni Former DENR Secretary Gina Lopez noong December 16, 2016 kaya naman wala nang bisa ang permit nito nang magsagawa ng pagpuputol ng mga puno noong Mayo 2017.

Samantala, tinitignan din ng D-E-N-R ang isa pang paglabag na ginawa ng I-N-C na pagtatayo ng mine yard road.

Matatandaang kinondena ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan ang walang habas na pagpuputol ng puno ng kumpanya ng minahan at ang patuloy nitong pagsira sa kalikasan ng Palawan.

Read: Turismo sa Palawan, apektado sa pamumutol ng puno sa Brooke’s Point
Pagiging pro-active ng mamamayan ng Palawan, pinuri ng Simbahan
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,423 total views

 29,423 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,140 total views

 41,140 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,973 total views

 61,973 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,395 total views

 78,395 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,629 total views

 87,629 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 39,581 total views

 39,581 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 39,599 total views

 39,599 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top