Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa sa mga nasawi sa war on drugs, isinagawa

SHARE THE TRUTH

 425 total views

Mag-aalay ng banal na misa at panalangin para sa mga nasawi sa war on drugs ng Pamahalaan, ang mga grupong Pro-Democracy o ProDem, at Kapatiran at Alyansang Alay sa Kaunlaran ng Bayan mula sa Quezon o KAAKBAY-Quezon.

Sinabi ni Father Warren Puno, Spokesperson ng grupo na layon nitong ipagdasal ang kaluluwa ng mga taong namatay sa giyera kontra droga ng Administrasyon lalo na ang mga inosenteng nadamay lamang at itinuturing na Collateral damages.

Naniniwala ang grupo na ang war on drugs ay isang huwad na labang isinusulong ng pamahalaan dahil tanging mga mahihirap lamang ang namamatay dito habang ang mayayaman na silang tunay na may sala ay malaya at hindi napapanagot sa batas.

Dagdag pa ni Father Puno, bukod sa pananalangin sa kaluluwa at katarungan para sa mga nasawi ay marapat ding ipagdasal ang unti-unting pagpatay ng pamahalaan sa Demokrasya ng bansa.

Aniya, nawawala ang tunay na halaga ng buhay ng mamamayan dahil sa dahan-dahang paniniil ng pamahalaan sa kalayaan at Demokrasya ng bayan.

“Napapanahong ipanalangin natin ang mga kaluluwang humihingi ng katarungan laban sa mapagkunwaring Administrasyong Duterte dahil ang tunay na mukha ng kanilang gawain pala ay hindi lang ang pakunwaring laban sa droga dahil sa ating nakita sa nakalipas na 2 taon ito ay Gyera din laban sa buhay at Demokrasya, dahil walang halaga ang buhay kung walang tunay na Kalayaan at Demokrasya.” pahayag ni Father Puno sa Radyo Veritas.

Kaugnay nitoo, inanyayahan din ng ProDem at KAAKBAY-Quezon ang mga mananampalataya sa iba’t-ibang panig ng bansa na mag-alay pa rin ng panalangin para sa lahat ng mga nasawi.

Ang Banal na misa at panalangin sa mga biktima ng war on drugs ay isinagawa noong ika-31 ng Oktubre ganap na 10:00AM sa National Shrine of Our Lady of Sorrows, Dolores, Quezon, sa pangunguna ni Father Puno.

Batay sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency sa #RealNumbers data ng Pamahalaan, noon lamang buwan ng Agosto ay umabot sa 444 na drug suspects ang nasawi sa anti-illegal drug operation ng mga pulis sa buong bansa na katumbas ng 14 na indibidwal kada araw.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa Bais Bay

 13,088 total views

 13,088 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 32,167 total views

 32,167 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 51,989 total views

 51,989 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 98,450 total views

 98,450 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 135,832 total views

 135,832 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 4,977 total views

 4,977 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 217,407 total views

 217,407 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 161,253 total views

 161,253 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top