4,795 total views
Ipinaabot ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang suporta sa Caritas Manila Damayan Telethon for Typhoon Kristine 2024.
Ayon sa Obispo, bilang mga mamamayan, higit na bilang mga katoliko ay tungkulin na maging aktibo sa pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta higit na ang pangangailangan ng pagkain, malinis na inuming tubig at tulong para sila ay makabangon.
“So whenever there is a campaign for help itong Telethon for the help that we need for Typhoon Kristine, mga devastations, mga victims, tulungan natin kahit papano, dito sa simbahan kami po ay naghihikayat sa mga dumadalo, sumisimba, nagpupunta dito because we know it is our christian obligation,” ayon sa panayam ni Bishp Florencio sa Radio Veritas.
Naniniwala si Bishop Florencio na sa tulong ng mga nakiisa sa Telethon ay mapupukaw nito ang damdamin ng mas marami pang Pilipino na tumulong.
“It is our christian duty to give help, reach out a hand to those in need dahil tayo po ay iisang pamilya at pananampalataya sa nag-iisang Diyos or kahit man hindi nananampalataya, the goodness of a person is actually ito yung product, kung tayo ay naniniwala sa kabutihan ng isang tao, mayroon ka talagang maibibigay at maiaambag kahit papano. ”
October 28, sa pagpapatuloy ng Telethon for Typhoon Kristine layunin ng Caritas Manila na makalikom ng 20-milyong piso upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayang nasalanta ng bagyo.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council noong October 28 ng umaga, umaabot na sa 6.71-million ang bilang ng mga mamamayang nasalanta ng bagyo partikular na sa mga rehiyon ng Bicol Regions, Caraga Administrative Region, kasama na ang mga Regions 12, 8, 6,, 3, 4-A at MIMAROPA Region.