Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

 2,484 total views

Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine.

Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas.

Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm ng Archdiocese of Manila sa anim na diyosesis ng Bicol na labis na nasalanta ng kalamidad, kabilang na ang Archdiocese ng Caceres, Libmanan, Legazpi, Daet, Virac at Sorsogon.

Bukod sa anim na diyosesis, inihahanda naman ng Caritas Manila ang pagpapaabot din ng tulong sa mga diyosesis sa Southern at Central Luzon na hinagupit din ng malakas na bagyo.

“Papasok na ang ating second round sa iba pang mga dioceses na tinamaan ng bagyong Kristine hindi lang ang pala bicol region, at northern Luzon, nag SOS din ang mga taga southern tagalog, central Luzon tulad ng Batangas, Cavite at iba pang direktang natamaan ng bagyong Kristine, kaya’t napakalawak ang nasira sa Luzon dahil sa bagyong nagdaan,” ayon kay Fr. Pascual na siya ring pangulo ng Radio Veritas.

Patuloy din ang panawagan ng pari sa publiko na makiisa sa Caritas Manila Telethon na isang pagkakataon ng bawat isa na makapagbahagi ng tulong para sa mga higit na nangangailangan.

Pagpapakumpuni ng mga nasirang simbahan

Tiniyak din ni Fr. Pascual ang pagpapakumpuni ng mga nasirang mga kapilya na dulot ng bagyong Kristine.

Ayon sa pari, bukod sa relief, rehabilitation, mahalaga ring gawain ng Caritas Manila ang pagtulong sa pagpapagawa ng mga nasirang simbahan, lalo’t ito ang pangunahing kanlungan, lalo na tuwing may kalamidad.

Ang mga simbahan din ay nagsisiling lugar ng mga pagpupulong ng mga layko, at sentro ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“Ang mga nasirang simbahan, nasirang kapilya. Kasi sa probinsya mahalaga ang kapilya kasi dito nagmimiting ang mga tao, pati DSWD-ginagamit nila ang kapilya ng simbahan para magdistribute sila ng ayuda. Kaya mahalaga sa atin itong mga chapel, mga simbahan. Nasira ang bubong, pader kailangan mayroon tayong restoration. Kaya ang support ng Caritas Manila, kapag may disaster ay relief, rehabilitation at restoration,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Sa nakalipas na bagyong Yolanda, nakapagpagawa ang Caritas Manila ng may 100 mga kapilya sa Leyte at Samar.

“Kaya’t napakahalaga na kapag may sakuna, andyan agad ang simbahan sa kanyang prepositioning ng mga relief goods, kaya’t handa na ang ating social action center lalung-lalo na sa ating eastern boarder-ito kasi ang daanan ng bagyo. Kaya mayroon tayong apat na area dyan, isa sa Mindanao, Visayas, Bicol at sa upper north. Ito yung ating mga regional hub na tinatawag ng Damayan. Kaya’t mayroon na tayong contact dyan at alam na nating meron tayong SOP kapag parating pa lang ang bagyo,” ayon pa sa pari.

Muling nanawagan si Fr. Pascual ng pakikiisa at pagtulong sa mga nasalanta lalo’t umaabot sa dalawang milyong katao ang direktang naapektuhan ng bagyong Kristine.

“Mahalaga po na tayo ay makapagbigay ng ayuda at makapagbigay ng pag-asa. Kaya’t nawa’y maibsan ang kanilang paghihirap at kawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng mga taong may kabutihan. Kaya’t tulungan natin ang gobyerno, nagtulong-tulong ang private sector, civil society, NGO at ang simbahan upang makatulong tayo sa pamamagitan ng relief, rehab at restoration,” ayon pa sa pari.

“Hindi naman importante kung gaano kaliit o kalaki, ang mahalaga tayo ay tumulong in-cash or in-kind, para madama ang presensya ng ating simbahan ng ating pananampalataya na nagmamalasakit, lalong-lalo na sa nangangailangan.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 24,893 total views

 24,893 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 56,032 total views

 56,032 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 61,617 total views

 61,617 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 67,133 total views

 67,133 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 78,254 total views

 78,254 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 45 total views

 45 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 1,145 total views

 1,145 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 2,477 total views

 2,477 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 4,429 total views

 4,429 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 3,210 total views

 3,210 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 4,004 total views

 4,004 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 4,541 total views

 4,541 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 5,253 total views

 5,253 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 6,626 total views

 6,626 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 9,231 total views

 9,231 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 7,107 total views

 7,107 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 11,705 total views

 11,705 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

 11,207 total views

 11,207 total views Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato. Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Opisyal ng pamahalaan na nakipagsabwatan sa POGOs, papanagutin

 11,500 total views

 11,500 total views Tiniyak ng pinuno ng House Quad Committee ang paglalantad at pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtaksil sa bansa sa pakikipagsabwatan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa kalakalan ng droga, human trafficking, at money laundering. Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Budget cut, inalmahan ng 39-SUCs

 11,933 total views

 11,933 total views Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon. Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top