Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,085 total reads

Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna.

“Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating lalawigan, sapagkat matapos na masalanta tayo ng bagyo, maraming naghihirap at maraming nangangailangan ng dasal. Sa ngayon po ako’y humihingi ng tulong sa inyo, lalo na sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo… Ipagpatuloy po natin ang magandang gawain ng isang Batanggenyo, nagtutulungan, nagbabahaginan, at nagdarasal para sa lahat,” pahayag ni Bishop Garcera.

Batay sa huling situation report ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), umabot na sa 43 katao ang nasawi sa lalawigan, kung saan ang bayan ng Talisay ang pinakaraming bilang ng nasawi na umabot sa 17 katao, sinundan ng 10 sa Laurel, at siyam naman sa Agoncillo.

Nasa apat na katao naman ang naiulat na nasugatan, habang patuloy pa ring pinaghahanap ang 22 iba pang nawawala.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan sa 277 evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng Batangas ang halos 13,000 pamilya o higit 44,000 indibidwal.

Samantala, nagsagawa naman ng Banal na Misa ang mga kawani at volunteers ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa bilang paggunita sa mga nasawi mula sa sakuna, gayundin para sa mga patuloy na naglilingkod at tumutulong sa mga biktima, at para sa kaligtasan at katatagan ng lahat sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

Inaasahan namang magpapadala ng food packs at non-food items ang Caritas Manila bilang karagdagang tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nasa evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 130,706 total reads

 130,706 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 205,574 total reads

 205,574 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 239,023 total reads

 239,023 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 274,321 total reads

 274,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 495,761 total reads

 495,761 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,286 total reads

 159,286 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top