MOP, umaapela ng panalangin sa tagumpay ng 125th CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,102 total reads

Umapela ng panalangin ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa nakatakdang 125th plenary assembly ng kalipunan ng mga Obispo sa pagtatapos ng buwan ng Enero.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, nawa ay sama-samang ipanalangin ng mga layko, kasama ang mga consecrated person na mga relihiyoso, relihiyosa at mga pari na maging makabuluhan at matagumpay ang plenary assembly na nakatakda sa ika-29 hanggang ika-31 ng Enero, 2023.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga ang pananalangin ng bawat isa upang gabayan ng Espiritu Santo ang mga Obispo at makikibahagi sa pagtitipon na magkaroon ng kaliwanagan ng puso at isipan sa pagtalakay sa iba’t ibang usaping dapat tutukan ng Simbahang Katolika sa bansa.

“We ask the prayers of the lay and the consecrated persons, religious and some priest also who can pray for all the bishops who are here, we are more or less 100% maliban lang doon sa may mga sakit so we ask their prayers particularly for an enlightenment of all the bishops and all those who will be leading the whole assembly that means the president and other officers,” paanyaya ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na kabilang sa matatalakay sa pagtitipon ng kalipunan ng mga Obispo ang mahahalagahang usapin tulad ng patuloy na pagpapatatag ng ugnayan ng Simbahan at pamayanan na bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Synodality na panawagan ng Santo Papa Francisco.

“What we will be discussing are of great relevance sa ating Simbahan ngayon lalong lalo na itong pagpapalago ng ating samahan as a church, yung synodality na yun has always been part of the discussion,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

Ayon sa Obispo, inaasahan din ang talakayan sa higit na pagpapatatag ng iba’t ibang mga tanggapan ng CBCP sa pamamagitan ng episcopal commission, offices at committees na nangangasiwa sa iba’t ibang adbokasiya ng Simbahan sa lipunan.

Nakatakda ang 125th plenary assembly ng CBCP sa Pope Pius XII Catholic Center kung saan sa pangalawang pagkakataon mula ng lumaganap ang COVOD-19 pandemic sa bansa ay muling magtitipon ng personal ang kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 88-active bishops, dalawang diocesan priest-administrators, at 38 honorary members na pawang mga retiradong Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 35,444 total reads

 35,444 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 73,252 total reads

 73,252 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 108,551 total reads

 108,551 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,821 total reads

 334,821 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 225,992 total reads

 225,992 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top