Mother Butler, sabay-sabay na magdarasal para matapos na ang COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

May 4, 2020, 2:43PM

Magkaroon ng pagkakataon sa isang araw na manalangin ng sabay-sabay para sa iisang intensyon na mawakasan na ang pagkalat ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ito ang apela ni Former Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa, President ng Mother Butler Guild sa lahat ng mga Mother Butler sa gitna ng patuloy na kinahaharap ng bansa mula sa banta ng COVID-19.

Ayon kay De Villa, isa sa kanyang tagubilin at apela sa mga Mother Butlers ang paghikayat sa sabay-sabay na pananalangin ng buong komunidad upang gabayan ng Panginoon ang bawat isa mula sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

“Sa kanila sabi ko yung mga parish members ninyo magkaroon kayo ng one time in the day na sabay-sabay kayong magdadasal ng specific devotion huwag na yung mahahaba lets say one Our Father, one Hail Mary, one Glory Be at this time o three Hail Mary’s at this time pero magkasundo sila kung anong oras nila idadasal yun bilang Mother Butler and for what intention for COVID-19 of course…”pahayag ni de Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang bahagi ng ipinatutupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine na muli pang pinalawig hanggang sa ika-15 ng Mayo ay ang pagbabawal sa pagkakaroon ng malalaking pagtitipon dahilan upang pansamantala munang suspendihin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagsasagawa ng pampublikong Banal na Misa.

Ang Mother Butlers Guild (MBG) ay itinatag noong 1961 at napaloob o naging isang miyembro ng Sangguniang Layko ng Pilipinas taong 1976 na sa kasalukuyan ay maroon ng mahigit sa 35,000 miyembro sa buong bansa.

Nagsisilbi ang mga Mother Butler na katuwang ng mga Pari sa Simbahan upang mapanatili ang kaayusaan, at kalinisan at maging ang mga kagamitan sa Banal na Misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,952 total reads

 11,952 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,806 total reads

 93,806 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,255 total reads

 127,255 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,554 total reads

 162,554 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,717 total reads

 388,717 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top