173 total views
Ito ang tiniyak ni MRT 3 Director for Operations Engr. Mike Capati sa kabila ng magkakasunod na aberyang naranasan ng mga commuters.
Ikinatwiran ni Capati na sa pamamagitan ng ‘proper maintenance’ ng mga tren ay nagiging maayos na ang serbisyo ng MRT sa may 500-libong pasahero kada araw.
“Safe ang ating sasakyan, gumaganda na ang serbisyo natin, lesser ang unloading and at the same time we assure the public na very safe ang ating mga bagon at mga tren,” pahayag ni Capati.
Sinabi nito na nakatulong din ang pagbawas ng bilang ng mga operating trains kung saan ibinaba na sa 15 tren ang bumabyahe habang binubusisi at inaayos ang iba pang mga bagon.
Habang patuloy na kinokondisyon ang mga tren, magtatalaga ng karagdagang point-to-point buses ang Department of Transportation (DOTr) sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Mababatid na Martes noong nakaraang linggo nang malaglag ang isang babaeng pasahero sa pagitan ng dalawang bagon na umaandar at naputalan ng braso habang naiwan naman sa riles ang huling bagon ng tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations dalawang araw matapos ang naunang insidente.
Una nang mumingi ng paumanhin sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nangyaring aberya sa MRT-3.
Sa kanyang pagtangkilik sa pampublikong transportasyon, magugunitang una nang tinaguriang ‘Public Transport Pope’ ang Kanyang Kabanalan Francisco dahil mas pinipili nitong bumyahe sakay ng mga pampublikong sasakyan sa halip na magagarang kotse.