Tuloy ang pagpatay sa war on drugs ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Tuloy-tuloy pa rin ang karahasan at patayan sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Ito ang lumabas sa monitoring at pagsusuri ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa kampanya kontra iligal na droga sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pagbabahagi ni Sr. Cresencia Lucero, Vice Chairman ng PAHRA, walang pagbabago sa implementasyon ng PDEA sa kampanya dahil umiiral pa rin ang mga pagpaslang sa mga drug suspects tulad pa rin ng marahas na pamamaraan ng Philippine National Police.

”Hindi nga lang sila naka-uniporme ng pulis pero patayan pa rin. So ano yung pagbabago sa PDEA, what’s new? sa obserbasyon namin ay wala namang pagbabago patuloy parin ang patayan, tuloy pa rin ang mga nabibiktima yung sinasabi nating mga suspect…” pahayag ni Sr. Lucero sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang Ika-10 ng Oktubre ng ipinalabas ni Pangulong Duterte ang memorandum na inaatasan ang PDEA para solong pangunahan at pangasiwaan ang Anti-illegal Drug Operations sa buong bansa.

Bago ilipat sa PDEA ang pamumuno sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan ay umabot sa higit 13-libo ang naitalang bilang ng PAHRA ng mga namatay na may kaugnayan sa illegal na droga sa buong bansa mula ng magsimula ang Administrasyong Duterte.

Kaugnay nito, sa bahagi ng Simbahan ang community-based drug rehabilitation program ang mas naangkop na paraan upang matugunan at masolusyunan ang malawak na problema ng bansa sa illegal na droga kumpara sa marahas na pamamaraan na pinatutupad ng pamahalaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 12,120 total reads

 12,120 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,667 total reads

 68,667 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 154,033 total reads

 154,033 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,769 total reads

 200,769 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,641 total reads

 248,641 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 349,210 total reads

 349,210 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top