Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 248 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Madre Dolorosa, Huwebes, a-15 ng Setyembre 2022, Juan 19:25-27

Minsan, kausap ko ang isang matandang manang na ang pangalan ay Aling Dolores sa isang parokya. Habang pinapagpag niya ang alikabok sa isang imahen ni Mama Mary na may belong itim at may pusong tinarak ng pitong sundang, ang sabi niya sa akin,“Madre De la Rosa” po ang tawag sa imahen na ito. Kaya taon-taon inaalayan daw siya ng mga rosas. Nagreact ako kaagad. Ang sabi ko, “Baka naman ho nagkamali sila. Hindi ho De la Rosa kundi Dolorosa. Diyan ho galing ang pangalan ninyo, Aling Dolores. Mula sa salitang Kastila na “dolor”, ibig sabihin, sakit. Pag sinabing “dolor de cabeza”, sakit ng ulo. Pag sinabing dolores—plural ho iyon, halimbawa nagsabay-sabay ang sakit ng ulo sa ngipin, sa tiyan, at sa tuhod. Dolores na ang mga iyon, dolores del cuerpo.”

Sumagot si Aling Dolores, “Ganoon ho ba? Maysakit pala si Mama Mary sa imahen na ito? Ano’ng sakit niya?” Sabi ko, “Ibang klase ho. Mga sakit ng kalooban—sakit na makitang nasasaktan ang anak niya dahil hinatulan ng kamatayan sa krus na parang kriminal kahit wala namang kasalanan. Sakit na makitang iniwan siya ng kanyang mga alagad at kaibigan na nagsipagtago dahil sa takot na baka sila’y madamay. Sakit na makita ang pagmamalupit na ginawa sa kanya ng mga sundalo na para bang hindi siya tao. Maraming sakit. Kaya may pitong espadang nakaturok sa kanyang puso. Parang paglalarawan na patulâ.”

Iyung pinapagpagan ni Aling Dolores ng alikabok ay ang kahulugan ng pinagdiriwang ng simbahang Katolika sa araw na ito ng a-kinse ng Setyembre: Ang “Madre Dolorosa.”

May isang bagong labas na libro na ang pamagat ay “The Passion of Christ Through the Eyes of Mary.” Isang koleksyon ito ng mga meditations ng mga sinaunang mga monastic Christian writers, tulad nina Saint Anselm of Caterbury, St Bernard of Clairvaux, atbp. Kinolekta at isinalin sa English ng isang Benedictine monk, Fr Robert Nixon, OSB. Magandang spiritual reading for meditation sa araw na ito ng Dolorosa.

Palagay ko ito ang pinagkuhanan ng inspirasyon ni Mel Gibson sa madugo niyang pelikulang “The Passion of the Christ.” Kumita daw ng 650 Million dollars ang pelikulang iyon. Kahit pamilyar na ang mga nanood sa kuwento ng pasyon at kamatayan ni Hesus sa kalbaryo, pinanood pa rin kasi ng milyon milyon katao dahil kakaiba ang pagkakakuwento. Binigyan niya ng kakaibang perspective o pananaw. Parang tiningnan lang muli ang mga malagim na pangyayaring humantong sa kalbaryo, pero mula sa mata ni Mama Mary. May mga parte pa nga na parang flashback, halimbawa, sa pagbagsak ni Hesus habang nagbubuhat ng krus biglang may sumisingit na flashback ng isang alaala sa isip ni Mama Mary nang unang bumagsak at nasaktan si Hesus noong maliit na bata pa siya.

Pag nagbabasa tayo ng kuwento, minsan akala natin ang awtor lang ang nagkukuwento. Pwede palang magsulat ang isang awtor ng isang kwentong naisulat na ng iba, pero kahit parehong kwento ay magiging kakaiba, dahil iba ang narrator o tagakuwento. Ano kaya’t isulat na muli ang ebanghelyo pero mula pananaw ni Maria?

Napaisip tuloy ako na baka ganoon talaga ang layunin ng ebanghelyo ni San Juan. Kasi, naroon si Maria sa simula at katapusan—sa kuwento ng kasalan sa Cana (Jn 2:1-11), nang sabihan ng ina ang mga alagad na gawin ang ipagagawa ng anak niya, kahit nasabi na niya na hindi pa niya oras. At sa dulo, sa binasa naman natin ngayon (Jn 19:25-27), nang ipagbilin ng nag-aagaw-buhay na Kristo sa nanay niya, ang “alagad na mahal niya.” At sa alagad, na ituring si Maria bilang sarili na rin niyang ina.

Sa araw na ito, inaanyayahan tayo ng simbahan na pumasok din sa eksena. Tayo naman ang hinihimok ni San Juan na magkuwento, na tayo naman ang pumapel sa papel ng “alagad na minamahal”, at tumingin sa kaibigang nakapako sa krus bilang ating kapatid at sa nanay niya bilang nanay natin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,394 total views

 13,394 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,875 total views

 20,875 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 34,015 total views

 34,015 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,988 total views

 39,988 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,742 total views

 45,742 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,139 total views

 1,139 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,140 total views

 1,140 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,894 total views

 3,894 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,309 total views

 8,309 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,635 total views

 3,635 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,158 total views

 4,158 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,657 total views

 5,657 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,501 total views

 6,501 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,756 total views

 4,756 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,969 total views

 8,969 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,201 total views

 8,201 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,411 total views

 12,411 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,859 total views

 5,859 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,863 total views

 5,863 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,863 total views

 5,863 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top