2,336 total views
Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay magdudulot ng pagbabago sa pamayanan at sa sangkatauhan.
Ayon sa arsobispo, ang liwanag na hatid ng Panginoong Hesukristo ang tatanglaw sa patuloy na paglalakbay ng simbahan at mananampalataya.
“Easter will transform RCAM; Easter will transform each one of us and lead us to conversion,” bahagi ng Easter Message ni Cardinal Advincula.
Sinabi ng arsobispo na ito ang panahong nararapat ipagbunyi ng kristiyanong pamayanan na pag-asang hatid ng Panginoon sa bawat isa kung saan ipinakikita ni Hesus ang matagumpay na pagtawid mula sa dilim ng pagpapakasakit at pagkamatay sa krus.
Hamon ni Cardinal Advincula sa mananampalataya ang pagtitiwala sa kaligtasang dulot ni Kristo upang labanan ang iba’t ibang hamong kinakaharap.
“There would be more compassionate and forgiving relationships, greater energy, boundless creativity, perseverance in mission, resolute courage to face evil and fight oppression, and confidence in times of trial,” ani ng Cardinal.
Bukod dito binigyang diin ng arsobispo na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang gagabay sa pagbabagong isasagawa ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Traslacion RCAM Roadmap na ibinalangkas alinsunod sa resulta ng synodal consultations ng arkidiyosesis.
Bilang pagsasabuhay sa ‘Audiam’ motto ng cardinal ay sisikapin nito ang paglago ng sambayanang ipiangkatiwala sa kanyang pangangalaga sa tulong ng Poong Hesus Nazareno na nagtagumapay sa kamatayan na magiging daan sa pagbabago ng lipunan at mamamayan.
“May the Resurrection of Christ open our hearts and minds to the needed reforms and reorganizations in our local Church with eagerness and joy,” giit ni Cardinal Advincula.
Matatandaang kasabay ng Chrism Mass ng arkidiyosesis noong Huwebes Santo ay inilunsad ang Traslacion RCAM Roadmap na layong gabayan ang simbahan sa mga pagbabago sa kapakinabangan ng mahigit tatlong milyong katolikong nasasakupan kugn saan katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa ang mahigit sa tatlong daang mga pari ng arkidiyosesis.