Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Muling panawagan sa pagpasá ng NLUA

SHARE THE TRUTH

 330 total views

Mga Kapanalig, muli na namang binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang kagustuhan niyang maipasá na ang National Land Use Act o NLUA. Itinuon niya ang kanyang panawagan sa Senado, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasagawa ng anumang pagdinig tungkol sa nasabing batas mula nang magsimula ang Administrasyong Duterte. Naipasá naman na ito sa Mababang Kapulungan noong isang taon pa.

Kapag naisabatas na ang NLUA, magkakaroon ng isang pambansang balangkas (o national framework) na gagabay sa mga patakaran at plano para sa mas makatwiran at makatarungang paggamit ng lupa. Ibababa ang balangkas sa mga lungsod at bayan upang maiplano nila ang tamang alokasyon ng mga lupa sa nasasakupan nila. Nililinaw ng balangkas ang apat na pangunahing gamit ng lupa: para sa pangangalaga ng kalikasan, para sa produksyon ng pagkain, para sa pagtatayuan ng kabahayan at mga gusali, at para sa mahahalagang imprastraktura.

Iniugnay ng pangulo ang kanyang panawagan para sa pagsasabatas ng NLUA sa nangyayari sa Boracay, at may punto siya rito. Dahil sa turismo, naging kabi-kabila ang pagtatayo ng mga gusali roon, at walang pakundangan ang pagdami ng mga negosyong nakapipinsala sa kalikasan at sa kabuhayan lalo na ng mga katutubo. Dahil sa mga negosyong ito, walang naiwang lugar para sa mga mahihirap upang pagtayuan ng kanilang bahay, kaya’t nakatungtong sa mga dalampasigan ang kanilang barung-barong. Kulang din ang mga imprastraktura para sa maayos na pagtatapon ng basura at dumi sa buong isla.

Buháy na halimbawa nga ang Boracay ng isang lugar na walang maayos at komprehensibong plano sa tamang paggamit ng lupa. At hindi ito hahantong sa ganitong kalagayan kung noon pa man ay maayos nang naiplano ang mga lugar na pagtatayuan ng mga negosyo, mga lugar na pagtatayuan ng mga bahay, at mga lugar na paglalagyan ng mga kalsada at daluyan ng dumi. Naiwasan din sana ang pagkamkam ng mayayaman ng lupa ng mga katutubo na noong 2013 nga ay naging ugat ng pagkakapatay sa isang lider ng mga Ati.

Inamin ni Pangulong Duterte na may bahagi ang kanyang administrasyon sa kinahinatnan ng Boracay, kaya naman pinili niyang ipasara ang isla, bagamat binabatikos ang hakbang niyang ito dahil sa kawalan ng malinaw na plano. Nanindigan ang administrasyong ibabalik nito ang integridad ng kalikasan ng isla, at sa pamamagitan nga ng NLUA, aatasan nito ang mga lokal na pamahalaang ayusin ang pagpaplano ng gamit ng lupa sa kani-kanilang lugar.

Sang-ayon ang diwa at layunin ng NLUA sa pagpapahalaga ng Simbahan sa karangalan ng sanilikha. Tandaan nating hindi lamang para sa ating mga tao ang kaligtasang kaloob ng Diyos; para rin ito sa ating mga kapwa-nilikha sa daigdig na ito, ang ating kalikasan. Makatutulong din ang NLUA sa mas makatarungang paggamit ng lupa dahil pipigilan nito ang pagkamkam ng mga malalaking negosyo ng mga lupang dapat pinakikinabangan ng mga magsasaka at maralitang pamilya. At sang-ayon naman ito sa isang pang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan tungkol sa paglalaan ng lahat ng biyaya ng Diyos, kabilang ang lupa, para sa lahat ng tao, hindi lamang sa iilan. Bagamat iginagalang natin ang pribadong pagmamay-ari, hindi dapat gamitin ang lupa para lamang sa kapakanan ng may-ari; ito ay dapat ibahagi sa iba.

Subaybayan natin, mga Kapanalig, kung tatalima ang Senado sa panawagan ni Pangulong Duterte at ng iba pang grupong matagal nang nagsusulong ng NLUA. Uubra kaya ang sinasabing political will ng pangulo, o mas pakikinggan ng mga mambabatas ang boses ng mga negosyante at private developers na malapít din sa kanila at sa iba pang nasa pamahalaan? Ang kahahantungan ng NLUA ang magiging sukatan natin kung kanino talaga naglilingkod ang ating mga lider.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,988 total views

 6,988 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,469 total views

 14,469 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,609 total views

 27,609 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,582 total views

 33,582 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 39,336 total views

 39,336 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,989 total views

 6,989 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,470 total views

 14,470 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 27,610 total views

 27,610 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 33,583 total views

 33,583 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 39,337 total views

 39,337 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,563 total views

 40,563 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,647 total views

 41,647 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,028 total views

 37,028 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,032 total views

 49,032 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,074 total views

 57,074 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,631 total views

 48,631 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,056 total views

 47,056 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,842 total views

 48,842 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,767 total views

 45,767 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,081 total views

 60,081 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top