Paghina ng Ekonomiya ng Bansa, Epekto ng mataas na Inflation Rate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,003 total reads

Naniniwala ang isang Ekonomista na malaki ang epekto ng mataas na inflation sa paghina ng Ekonomiya sa Bansa.

Ayon kay si Astro Del Castillo, President and Managing Director ng First Grade Finance, Inc. dapat maging mapagmatyag ang pamahalaan sa mga grupong sinasamantala ang sitwasyon ng bansa partikular sa mataas na presyo ng mga bilihin.

“Definitely the runaway Inflation has been a drag to our Economy,” pahayag ni Castillo sa Radio Veritas.

Giit ni Castillo, gumagawa na rin ng hakbang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang tugunan ang pagtaas ng inflation rate sa bansa noong Hulyo kung saan naitala ang 5.7 porsiyentong pagtaas.

“Monetary Authorities have now triggered more monetary action to tame Inflation.” dagdag ni Castillo.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nangunguna ang mga produktong pagkain at transportasyon sa pinakamabilis ang pagtaas ng presyo dulot na rin ng mataas na presyo ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mas mataas ang naitalang inflation rate kumpara sa inaasahan ng pamahalaan na 2 hanggang 4 na porsiyento sa pagtatapos ng termino ng Administrasyong Duterte.

Naniniwala rin si Castillo na maliit ang epekto ng TRAIN Law 1 sa inflation rate sa Pilipinas kundi mas nakakaapekto dito ang paghina ng piso laban sa dolyar at ang mababang suplay ng mga produkto tulad ng bigas.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Simbahang Katolika sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kung saan pawang mahihirap ang higit na naaapektuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,825 total reads

 126,825 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,805 total reads

 263,805 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,580 total reads

 379,580 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,797 total reads

 494,797 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top